2

DECEMBER 2024

Patuloy Pa Rin ang Pagtitiwala

by | 202412, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by J. Silvestre C. Gonzales

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila.

Isaias 40:31

Gumanda na ang buhay ni Joseph sa household ni Potifar. Ginawa siyang katiwala at ipinamahala sa kanya ang lahat sa bahay ng kanyang amo. Ngunit di nagtagal, humarap siya sa malaking problema.

Dahil si Joseph ay matipuno at magandang lalaki, na-attract nang husto sa kanya si Mrs Potifar. Niyaya niya si Joseph na makipagtalik sa kanya (Genesis 39:7).

Tumanggi si Joseph. Sinabi niya, “Dahil malaki ang tiwala ni Potifar sa akin, hindi ko magagawa ang malaking kataksilan at pagkakasala sa Diyos” (vl.9).

Hindi pa rin nag-give up si Mrs. Humanap siya ng tamang pagkakataon. Isang araw habang wala ang ibang mga utusan sa bahay, nag-take advantage si Mrs Potifar. Hinablot niya ang balabal ni Joseph at sinabing, “Halika’t sipingan mo ako!” Tumakbo si Joseph, ngunit naiwan ang kanyang damit kay Mrs Potifar.

Ginawa itong ebidensya laban kay Joseph. Gusto raw siyang pagsamantalahan. Ipinahuli ni Potifar si Joseph at ipinatapon sa kulungan, (v.19–20).

Dahil sa false charges laban sa kanya, nawalan siya ng magandang trabaho. Marahil kung tayo ang nasa sitwasyon ni Joseph ay magmumukmok na lang tayo.

Iba si Joseph. Tinanggap niya ang nangyari sa kanya nang walang reklamo. He made the most out of the situation he was in. And soon he was on his way up again.

At hindi siya pinabayaan ng Diyos. Dahil sa tulong ng Maykapal, si Joseph ay ginawang tagapamahala ng lahat ng mga bilanggo. Siya ang tanging nagpapasya kung ano ang gagawin sa loob ng bilangguan (v. 22).

Ano ang sikreto ni Joseph at siya ay naging successful sa bilangguan? Makikita natin ang kasagutan sa Genesis 39:23: “Si Yahweh ay kasama nito at pinagtatagumpay siya sa lahat niyang gawain.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, nawa’y maging katulad ako ni Joseph. Kahit wala siyang kasalanan, hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy siyang nagtiwala sa Inyo.

APPLICATION

May kakilala ka ba na naging biktima ng injustice? Kausapin mo sila upang mapalakas ang kanilang loob at ipanalangin mo sila.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 11 =