4

JANUARY 2026

Puwede ba ang Bata?

by | 202601, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Alma S. de Guzman-Santos

Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.”

Marcos 10:14

“For adults only” — ito ang kadalasang unwritten rule sa events lalo na kung hindi child-friendly ang program. Valid naman ‘di ba? But for events like weddings, may option ang couple kung puwede o hindi nila pasasamahin ang mga bata. Some people are against having them there, saying, “Bakit naman magsasama pa ng bata? Baka makagulo sila at makaagaw ng eksena. Huwag na magsama ng bata para mag-enjoy ang parents.”

But the Lord Jesus Christ teaches us a lesson on having the right perspective about children. Totoo naman na may mga event na nararapat lang for adults, but for events celebrating the family, church, and God, it’s always better to let children be a part of them.

Minsan sinaway ni Jesus ang disciples noong hindi nila pinayagan na lumapit ang mga bata sa Kanya. They probably had the best intentions. Like baka ayaw lang nilang maistorbo si Jesus. Pero ‘di tulad ng inaakala nilang tama, sinabi ni Jesus na, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos” (Marcos 10:14).

Jesus loves the little children, at palaging kasama ang mga bata sa plano ng Diyos. Noong nilikha ng Panginoon si Adam at Eve, nasa puso na Niya na magkakaroon ng mga henerasyon na lalapit at mananampalataya sa Kanya. Kaya kung mabigyan man tayo ng pagkakataon to open an event where children can learn about God’s faithfulness, let’s include them. Bata man silang maituturing pero sa kanilang mga munting puso maitatanim natin na kabahagi sila ng isang mahalagang bagay, at iyan ang pagmamahal ng Panginoon sa kanila.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat sa pagpapahalaga Mo sa susunod na henerasyon. Patuloy Ninyo kaming gabayan na mabigyan sila ng mabuting aral tungkol sa Inyong pagmamahal at kabutihan. Buong puso naming itinataas sa Inyo ang bawat bata sa bansang ito. Maghari sana Kayo sa puso nila. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Get to know the little children within your circle. Invite them to watch Superbook stories, be blessed together, and do some fun activities with them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 11 =