9

APRIL 2026

Qualified Underqualified Messengers

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Jerryca Dolon

Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.

1 Mga Taga-Corinto 1:27

Tahimik lang si Rina. Hindi siya ‘yung tipong palaban o confident magsalita sa harap ng mga tao. Kaya noong pinakiusapan siyang mag-lead ng devotion para sa school event, agad siyang umatras. “Hindi ko po kaya,” sabi niya. “Marami pong ibang mas magaling.” Pero ang sagot ng teacher niya ay tumatak sa puso niya: “Sometimes, the ones who feel least qualified are exactly the ones God wants to use.” Na-realize ni Rina na hindi kailangang maging perfect para maglingkod sa Diyos. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng puso na handang sumunod.

Ganito rin si Gideon sa book of Judges 6. Tinawag siya ni God para iligtas ang Israel, pero ang unang sagot niya ay, “Ako po ang pinakamahina sa pamilya namin!” Sa mata ng mundo, yes, mahina siya. Pero sa mata ng Diyos, sapat siya. God promised, “I will be with you.” Hindi si Gideon ang gumawa ng himala, kundi si God na tagapagtanggol niya. Madalas piliin ni Lord ang mahihina, ‘yung hindi pinapansin o feeling not enough, para ipakita na Siya ang tunay na malakas. In our weakness, His power and strength are revealed.

Do you feel unqualified para gawin ang  inuutos ni God? Tandaan mo, God doesn’t call the qualified; He qualifies the called. Ang kailangan lang Niya ay taong may willing heart, kaya kahit kabado ka, struggling to speak before a crowd, o wala kang confidence, puwede ka pa ring gamitin ni God! Hindi hadlang ang kahinaan mo sa plano ng Diyos. Madalas ito pa ang nagiging daan upang mas makilala Siya ng iba. The truth is He qualifies us even when we feel we are unqualified for His calling.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat na ginagamit Ninyo ako kahit na may kahinaan ako. Palakasin  po Ninyo ang loob ko kapag natatakot akong sumunod sa Inyo. Ituro Ninyo sa akin na sapat ang biyaya Ninyo sa bawat kakulangan ko. Gamitin  po Ninyo ako para magbigay ng liwanag sa iba. Amen.

APPLICATION

Do you feel you are not strong enough to fulfill God’s calling for your life? Surrender to God and just simply say yes to Him. Show up and witness how God will equip you with everything you need to obey Him.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 2 =