6
DECEMBER 2025
Ready Ka Na Ba sa Big Time Life?
Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
Mateo 6:33
Have you met someone na biglaang yumaman o na-promote, pero hindi pa handa sa bagong responsibilidad? Minsan, ang saya ng biglang biyaya — bagong posisyon, mas malaking suweldo, mas maraming opportunities. Pero, hindi lahat ay mentally at spiritually prepared para i-handle ang “big time” changes.
Kapag biglang lumaki ang kita, may mga bumibili agad ng gadgets, nagbu-book ng trips, o nagpapadala ng pera. Sa una, parang OK, pero eventually, napapansin nila na parang kulang pa rin. Kahit mas malaki ang kita, mas malaki rin ang gastos. Hindi pera ang problema, kundi ang kakulangan ng mental at spiritual readiness. Tulad ng mga athlete, hindi lang physical fitness ang kailangan, kundi pati mental at emotional preparation.
Sabi sa Mateo 6:33, unahin natin ang Diyos, at ipagkakaloob Niya ang lahat ng kailangan natin. Kung hindi tayo spiritually grounded, kahit gaano kalaki ang biyayang dumating, puwedeng mawala agad. Kaya dapat inuuna natin si Lord sa mga desisyon, lalo na pagdating sa pera, para maging matatag sa paghawak ng blessings.
Minsan, gustong-gusto nating yumaman o ma-promote, pero handa ba tayo emotionally, mentally, at spiritually? Baka kaya hindi pa dumarating ang big time blessings na para sa atin ay dahil gusto ni Lord na handa muna ang puso at isip natin. Unahin mo si Lord, at lahat ng pangangailangan mo ay darating.
LET’S PRAY
Lord, salamat sa mga blessing. Humihingi kami ng karunungan para maging handa kami at walang masayang sa mga ito. Turuan Ninyo kaming unahin Kayo at magkaroon ng tamang mindset. Gabayan Ninyo kami para hindi maligaw sa tagumpay. Amen.
APPLICATION
Huwag maging reactive. Magplano, mag-invest wisely, at huwag kalimutan si Lord sa bawat hakbang. Kung spiritually grounded ka, mas kaya mong hawakan ang mga biyayang darating.
SHARE THIS QUOTE
