10

APRIL 2026

Sabong at Sabog

by | 202604, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Via Antonio & Written by Nor Aquino-Gonzales

Kaya’t huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][ at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

Mateo 6:3133 (MBB)

Enrollment time na naman! Napabuntong-hininga si Joseph. Namax out na niya ang salary loan niya sa office at wala na siyang iba pang mahiraman ng pera. Ilang gabi na siyang hindi makatulog at madalas ay mainit ang ulo niya. Alam niya that the Lord has been his provider. Wala nga siyang trabaho noon, but somehow, nag-survive silang pamilya. Pero ngayon, parang tahimik ang Diyos sa kanyang mga dalangin.

Kaya nagbakasakali siyang tumaya sa e-sabong. Konting halaga lang naman ang tinataya niya para lang makabawi sa kakulangan niya bilang breadwinner sa pamilya.  Noong una ay nanalo siya, so he took this as a sign that this is the Lord’s way to provide for him. Ang sarap ng pakiramdam na may pera siya para sa kanilang pangangailangan. Pero di nagtagal ay natalo siya. Imbes na tumigil, nangutang siya at tumaya ulit sa pagnanasang mabawi ang kanyang natalong pera. Kaya lalo siyang nabaon sa utang. Nasira rin ang pangalan niya sa mga inutangan niya.

We know that the Lord provides. But why is it that when we face a crisis, we rise from our praying knees to work in ways that are not pleasing to God, such as gambling?  Kadalasan tuloy, sabog ang buhay natin. Sira ang relasyon natin sa Diyos at sa ating kapwa.  

Matthew, the Gospel writer who had lots of money from the bribes of his fellow Jews, gave up his corrupt ways to follow the Lord. He had to remind his readers that the Lord knows all our needs. Only those who don’t know God and the way He works worry about their daily needs. If our minds are set to follow Jesus and His ways, He will provide for all our needs. The question is,  Do you know God enough to trust Him?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I worship You for You know my needs. Forgive me for trusting myself more than You.

APPLICATION

Write down a concrete and desperate situation when the Lord has provided for your needs. Post this on a spot where you can readily see to remind you of God’s provision.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 10 =