10
NOVEMBER 2025
Safe in our Lord’s Love
INTRO: Kailangan mo ba ng protection mula sa mga gustong manakit sa iyo? Alamin natin sa devotion natin ngayon how God could help you. Welcome again to our series, “God’s Answers for Your Every Need.”
Pupurihin kita, tagapagtanggol ko at aking kanlungan, Diyos kong mapagmahal.
Awit 59:17
Kumusta? Is life getting better? ‘Yun bang masasabi mong malayo pa, pero malayo na? ‘Yun bang, nakakaluwag-luwag ka na kahit paano, but at the back of your mind, may takot ka pa rin? Madalas mo bang isipin kung hanggang kailan ka kaya sa trabahong nagbibigay sa iyo ng magandang income? Natatakot ka bang magpa-check up dahil baka malaman mong may sakit ka pala?
Sabi ni psychologist Abraham Maslow, as human beings, we look for a sense of security in our lives. We want to feel that we are safe from harm or danger. Sa panahong napakaraming uncertainties, kaya pa rin bang iprovide ito ni Lord? After all, sabi nga sa Philippians 4:19, kaya Niyang ibigay ang lahat ng ating mga pangangailangan.
Napatunayan ito ni David, ang pastol na pinili ng Panginoon upang maging susunod hari ng Israel. Isa itong pambihirang karangalan, pero ito ang dahilan kung bakit mula sa isang tahimik na buhay, napunta sa panganib ang buhay niya. Ni-reject ng Diyos ang unang hari ng Israel na si Saul dahil sa pride at disobedience na pinakita nito. Nalaman ni Saul na si David ang itinakdang papalit sa kanya. Kaya inutusan ni Saul ang mga tauhan niya para patayin si David, pero nakatakas ito.
Habang nagtatago, David cried out to the Lord for help. Alam niyang dehado siya dahil mga bihasang sundalo ang naghahanap sa kanya, but he kept believing na hindi siya pababayaan ng Diyos. Sinabi ni David na ang Panginoon ang kanyang kalakasan (Awit 59:9). The Lord is a fortress where we can go to for protection, at kanlungan kapag kailangan natin ng pahinga (v. 9). He is a shield na sasangga sa mga taktika ng kalaban (v.11).
David survived at naging hari siya pagkatapos ng ilan pang offensive assaults ni Saul. Mula noong si David ay isa pa lamang simpleng pastol hanggang sa siya’y namuno sa Israel, hindi siya iniwan ng Panginoon. And if he were here, he would tell you, the Lord will also be there for you.
Let God be your defense, today and always. See you tomorrow!
LET’S PRAY
Lord, sa panahong niyayanig ako ng takot, salamat na Kayo ang nagsisilbing ama ko. Kayo ang kakalinga sa akin, at sa Inyo, mararamdaman kong ako ay ligtas.
APPLICATION
Basahin ang sumusunod na verses. Balikan araw-araw ang verses na angkop sa sitwasyon mo.
SHARE THIS QUOTE
