1
JUNE 2025
Sagot ni Lord ang Pangangailangan Mo

Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan.”
1 Mga Hari 17:14
Maniniwala ka ba kapag sinabi sa iyo ng kaibigan mo na “the Lord will provide for your needs”? Ang isip-isip mo, Paano naman magpo-provide si Lord eh ito lang naman yung trabahong ibinigay Niya sa akin? Mas madalas pa nga na kinukulang ang suweldo kaysa sumosobra ito.
Mahirap man paniwalaan pero kayang-kaya ni Lord mag-provide for our needs. Kaso minsan nakatingin tayo sa kakulangan kaysa sa kakayanan Niyang mag-provide para sa atin. Kadalasan nag-provide na Siya pero hindi natin agad narerecognize na provision na pala iyon.
Sa kuwento ni prophet Elijah sa 1 Kings 17, ipinag-utos ng Diyos sa kanya na pumunta sa Sarepta at humingi ng pagkain mula sa isang naghihirap na biyuda. Noong siya’y nanghingi ng tubig at tinapay, inamin ng biyuda na konting harina at ilang patak ng langis na lang ang natira para sa kanila ng anak niya. Magkaganon man, itinuloy ni Elijah ang paghingi, at ibinigay ang pangako ng Diyos na hindi mauubos ang harina at hindi matutuyo ang langis hanggat wa-lang ulan na magdidilig sa mga pananim.
Ang galing ni Lord ’di ba? Sino ba naman ang mag-aakala na provision na pala para sa biyuda at anak niya ang pagdating ni Elijah. The Lord is the great provider. Alam Niya ang mga pangangailangan natin higit pa sa inaakala natin. He may not act the way we hope, but He surely cares and loves to send provision to His children.
The Lord provided for Elijah, the widow and her son. And even up to this day, His generous heart is reaching out to you because He loves to provide for you. Tandaan na hindi man Niya ibigay ang eksaktong gusto mo, tiyak naman na ibibigay Niya kung ano ang kailangan mo.
We hope you’ll join us again tomorrow for our series “God Our Heavenly Father.”
LET’S PRAY
Lord, alam mo po ang lahat ng pangangailangan ko. Nagtitiwala po ako sa Iyong mabuting puso. Humihingi ako ng provision dahil alam kong Ikaw lang ang maaring tumugon sa lahat ng kailangan ko. Maraming salamat po. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Ask a friend to tell you about his/her story about God’s provision. And request that friend to also pray for you.
SHARE THIS QUOTE
