26

JUNE 2025

Sagot Tayo ni Lord

by | 202506, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Edwin D. Arceo

Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos.

Awit 23:5

Nakaranas ka na ba ng nakaka-paralyze na takot? Yung halos atakihin ka na sa puso sa lakas ng pagtambol ng puso mo tapos hindi ka makakilos? Ilan lang ang mga ito sa symptoms ng anxiety attack.

Anxiety comes in many forms. ‘Yung fearful thoughts na baka hindi na makauwi nang ligtas ang mga mahal mo sa buhay or ‘yung nakaka-praning na takot na baka ikaw na ang susunod na matatanggal sa trabaho. Iba’t iba rin naman ang reaction ng mga tao sa mga ganitong pagkakataon. ‘Yung iba, calm and collected while others are frozen with fear. Pero saan ka nakakita na may krisis na sa paligid ay nakukuha pa ring kumain? Hindi ba dapat na tuliro na ang mga taong ito sa stress? Ito ang eksenang pinapakita sa atin ng sumulat ng Awit 23 na si Haring David. 

He had complete trust in his Shepherd, the Lord God Himself. Ito ang nagbibigay ng peace that passes all understanding (Philippians 4:7) sa mga pagsubok na pinagdaanan niya. Sa panahon natin ngayon, sino o ano ang mga “kaaway” natin? Bills ba? Deadline sa trabaho? Katrabaho na naninira sa iyo? If you have received Jesus as your Lord and Savior, you are under the care of God. Kumbaga, kapag ikaw ay pumasok sa presensya ni God, ikaw ay isang honored guest. Si Lord ang Protector mo. ’Yung linya na ipaghahanda ka ni God ng salo-salo sa harap ng iyong mga kaaway ay isang simbolo ng Kanyang pag-ibig at  protection sa iyo. Para Siyang inahin na “Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi kang nakakatiyak; iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y matapat” (Awit 91:4).

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama naming nasa langit, pinupuri ko Kayo dahil sa presensya Ninyo, I am assured of Your love and protection. I will not be anxious sa challenges na haharapin ko dahil Kayo ang kasama ko. Amen.

APPLICATION

List down the challenges and concerns you are facing today. Ilapit mo ang mga ito sa Diyos and let go of your anxieties.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 10 =