4
AUGUST 2025
Si Nimbus, si Caramel, at si Bronze
Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo.
1 Juan 3:1
Kulay abo siya, kaya tinawag siyang Nimbus ng bagong may-ari sa kanya. Ang dalawang kapatid naman niya ay parehong light brown ang coat, kaya ang tawag sa isa sa kanila ay Caramel, at ang isa naman ay Bronze.
Tuwang-tuwa ang bagong furparents na bumili sa mga kitten na ito. They gave each of the kittens a name na akma sa kulay nila. Pinakain nila ng cat food, binigyan ng litter, at maya’t maya, kinakausap at nilalaro nila. Napamahal na agad sa kanila ang mga kitten na binili nila.
Kahanga-hanga ang pagmamahal ng mga taong mahilig sa mga hayop. Kaya nga sila tinawag na animal lover. Kung nai-impress tayo sa concern ng animal lovers para sa kanilang pets, are we also aware and impressed by the love of God for us? The apostle John directs our attention to an amazing truth: “See what love the Father has lavished on us in letting us be called God’s children! For that is what we are” (1 John 3:1, CJB). Sobra-sobra ang pag-ibig na ibinuhos sa atin ng Diyos Ama! At bakit sobra-sobra?
Sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus, iniligtas Niya tayo sa kapahamakang dulot ng kasalanan (John 3:16). Tinubos tayo ni Jesus at ang ipinambayad Niya ay ang Kanyang dugo (1 Peter 1:18–19). He gave us faith a para magawa nating paniwalaan at tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas (Ephesians 2:8–9). At nang manampalataya tayo, ginawa Niya tayong mga anak Niya. “Anak” ang tawag sa atin ng Diyos, at bilang mga anak, inaalagaan Niya tayo. Ibinibigay Niya ang ating mga pangangailangan, iniingatan, nilalambing, at inaaliw.
Kung ganito kalaki ang pag-ibig ng Diyos, hindi mo ba gugustuhing matawag na “anak” Niya? Won’t you be happy na tawagin Siyang Ama? Aba, ie-enjoy mo na ang sobra-sobrang pagmamahal Niya!
LET’S PRAY
Father God, salamat po sa Inyong sobra-sobrang pagmamahal sa akin. Thank You, Jesus, dahil sa pamamagitan Mo, itinuring akong anak ng Iyong Diyos Ama.
APPLICATION
Reflect on John 13:1; 15:9. Ask the Holy Spirit to give you a deeper understanding and experience of Jesus’ love for you.
SHARE THIS QUOTE
