25

MAY 2026

Si Yahweh ang Aking BFF

by | 202605, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Luisa Collopy

Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan.

Exodo 33:11

Sino ang BFF mo? Matagal mo na ba siyang kakilala, like from your childhood days? O naging close kayo dahil sa inyong trabaho o ’di kaya ay magkasama kayo sa Bible study group? Siguro ay madalas kayong nag-uusap at lumalabas dahil enjoy ninyo ang isa’t isa.

Ilang Bible characters ang mababasa nating merong close relationship with God. Sa Genesis ay madidiscover natin na naglakad ang Panginoong Yahweh sa halamanan at doo’y nakipag-usap sa nilikha Niyang lalaki at babae tungkol sa kanilang pagkakasala. Hindi lamang sila basta hinatulan kundi kinausap pa. Ilang beses ding kinausap ni Yahweh si Abraham — mula sa pag-alis niya at ng kanyang mga kamag-anak sa Haran hanggang sa pangakong pagdami ng kanyang lahi.  

Pero ang pinakamalapit siguro ay yung relationship niya kay Moses. Ang sabi nga, “Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan” (Exodo 33:11). Kaya naman hindi nahiyang humiling si Moses kay Yahweh, “Ipakita po ninyo sa akin ang inyong kaluwalhatian!” (v. 18).

Even a close relationship is challenged to prove itself at times. Kaya walang kiyemeng nagsabi si Moses for one more personal revelation of God’s glory, kahit pa araw-araw ay nawi-witness niya ito. Ang sagot ni Yahweh, “Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh” (v. 19).

Ang tanong ngayon ay, “Gusto mo rin bang maging BFF ang Diyos?” Tulad ni Moses, mahahasa kang marinig ang boses Niya, through His Word, kaya hindi ka mahihirapang sundin Siya. Mawawala ang iyong insecurities and you will be confident in what He asks you to do. At hindi ka mawawalan ng pag-asa kahit maghirap ka ngayon dahil you have the assurance na kasama mo ang Diyos today and always.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, help me to get to know You better and become Your friend.

APPLICATION

Isulat ang tatlong bagay na gagawin mo to have a closer relationship with God.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 4 =