28
SEPTEMBER 2025
Simple Pero Hindi
Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa iisang lugar lamang. Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako’y nasa lahat ng lugar sa langit at sa lupa.
Jeremias 23:23–24
Isang pulubi ang nilapitan ng isang babae at inabutan ng isang daang piso. “Para sa inyo po, manong.” Hindi kumurap ang pulubi. Inulit ng babae ang sinabi at tinuloy ang pag-abot ng one hundred-peso bill. Binuksan ng pulubi ang bibig para magsalita pero walang tunog na lumabas mula sa lalamunan niya. Hinawakan na ng babae ang kamay ng pulubi at nilagay ang pera sa palad ng naguguluhang pulubi. Nang maramdaman ng pulubi ang lutong ng pera sa balat niya, saka pa lang siya nakapagsalita, “Sa akin po ito?” Tumango ang babae saka sinabing, “Opo, manong. Para sa inyo po.”
Kung tutuusin, napakasimple lang naman ng sinabi ng babae — “Para sa inyo po, manong.” Pero dahil para bang too good to be true, kahit simple lang ay hindi pa rin agad naunawaan ng pulubi.
Mga bata pa lang tayo, sinasabi na sa atin ng ating mga magulang that God is everywhere. Kasama natin Siya tulog man tayo o gising. Katabi natin Siya sa loob o labas man ng bahay. Pero kasama rin Siya ng iyong kapatid na nasa eskwelahan, ng iyong tatay na OFW sa Kuwait, ng iyong nanay na teller sa bangko.
God is everywhere. A very simple sentence and yet, sa sobrang simple, minsan parang ang hirap intindihin at paniwalaan. Our logic makes us think, how is that even possible? If God is always with me, how can He be with all the other human beings in all corners of the world at the same time?
You know what? God is sovereign and nothing is impossible with Him to the point that there are times when His truth defies the laws of science and the machinations of this world. Friend, pairalin natin ang ating faith when it comes to what God says. His promises may sound too good to be true, but still His promises are true. And when He says He is everywhere, He really is everywhere!
LET’S PRAY
Mahal naming Ama, salamat sa Inyong Salita. Salamat sa Inyong assurance na kasama namin Kayo saan man kami naroon. Renew our minds in such a way na we will trust Your promises and not lean on our own understanding.
APPLICATION
Spend a few minutes today meditating on one of God’s promises. Pagmuni-munihan at paniwalaan mo ito araw-araw.
SHARE THIS QUOTE
