18
JUNE 2024
Sino ang Boss Mo?
Kilala mo ba ang boss mo? I bet you do. But do you know that you have an invisible Boss? Kilalanin natin siya sa Part 2 ng ating series “Serve Like Jesus.”
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao.
Mga Taga-Colosas 3:23
Do you aim for excellence in whatever you do? Kung ikaw ay star performer sa opisina mo, or nasa dean’s list ka sa kolehiyo, chances are you always aim for excellence. Gusto mong laging maayos ang trabaho mo o pag-aaral mo. Kasi nga naman, gusto mong tumaas ang posisyon mo sa opisina o magkaroon ka ng scholarship sa university.
Maganda ang mga hangaring ito. Pero paano na lang kung hindi mo nakamit ang posisyon o scholarship na pinagpaguran mo? Hindi mo na lang ba gagalingan ang trabaho o pag-aaral mo? Anyway, the reward is no longer there. Ganoon na lang ba?
Kung tayo ay naglilingkod sa tao, baka nga ganito ang isipin natin. May kasabihan nga, when the cat is away, the mice will play. Ang ibig sabihin nito ay magaling lamang tayo kapag may nagbabantay sa atin. Kapag wala na ang boss natin, kahit ano na lang ang kalabasan ng work natin. Pero alalahanin natin na si God ang tunay na Boss natin. Sabi nga ng Mga Taga-Colosas 3:23: “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao.”
Kita-kits tayo bukas para sa lahat part ng ating series “Serve Like Jesus.” In the meantime, go and serve the Lord cheerfully!
LET’S PRAY
Panginoon, kinikilala ko na Ikaw ang Boss ng buhay ko. Ayoko nang balewalain Ka sa aking mga gawain sa bahay, simbahan, trabaho. From this time on, by Your grace, I will serve You in whatever I do.
APPLICATION
Whenever you are tempted to do something highly questionable at work, imagine the Lord Jesus by your side, reminding you that He is your Boss. Work doubly hard with enthusiasm when your earthly boss is not around because your Heavenly Boss sees everything.