17
OCTOBER 2025
Sino Ang Lifeline Mo?
Niloob ng Diyos na ihayag sa lahat ng mga Hentil ang dakila at kamangha-manghang hiwagang ito na walang iba kundi si Cristo na nasa inyo. Siya ang ating pag-asa na tayo’y makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos.
Mga Taga-Colosas 1:27
During a coffee date, habang mabigat ang loob at nagpipigil ng luha, madamdaming sinabi ni Andres sa kanyang kasintahan na si Dianne, “Kahit hindi pa sobrang tagal nating magkarelasyon, nararamdaman kong ikaw ang lifeline ko.” Maraming mapapait at masasakit na karanasang pinagdaanan si Andres noon. Nang nakilala niya ang kanyang kasintahan na ngayon ay asawa na niya, naramdaman niya ang pag-saklolo ng Panginoon sa buhay niya.
Years later, nabanggit ni Andres kay Dianne na sa seafaring, ang lifeline ay ang rope na ikinakabit sa suot na gear ng seafarer tuwing may mga delikadong task na kailangang gawin. Ang rope ang nagsisilbing panghatak sa katawan ng seafarer sakaling maalangan at malagay siya sa life-and-death situation while performing his task.
Ikaw ba kaibigan, sino ang lifeline mo? Madalas iniisip natin na ang lifeline natin ay ang mga taong puwede nating tawagan at maaasahan sa oras ng pangangailangan, pero sa katunayan, we have a lifeline who is eternal and limitless. And we can have access to this lifeline kapag kinilala at tinanggap natin Siya sa ating buhay.
This may sound so cliché to many, but remember that you can always count on Jesus when all else fails. You always have a choice to make Jesus your lifeline. At bago mo pa man Siya tawagan, matagal na Niyang napaghandaan ang buhay na laan Niya para sa iyo. You can safely entrust your life to Jesus.
Every day of our lives Jesus brings us so many opportunities and blessings to let us know that He is our eternal lifeline. May today be your starting point to make Jesus your Lord and Savior.
LET’S PRAY
Lord Jesus, alam Mo ang lahat ng aking mga pinagdaanan pati na rin ang mga naging kasalanan ko. Sa araw na ito pinipili kong maniwala at tanggapin Ka sa aking puso. Salamat sa kapatawaran ng aking mga kasalanan. Maghari Ka sa buhay ko bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Amen.
APPLICATION
For more prayers and encouragement, i-click lang ang icon na Chat With Us ng Tanglaw devotional app para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.
SHARE THIS QUOTE
