27
MAY 2026
Sinong Nasa Guest List Mo?
“Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi handog.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.”
Mateo 9:13
Kapag may happenings tayo in life whether birthday, anniversary, or any other special occasion, meron tayong “automatic guest list.” We invite our relatives and our close friends. Bihira nating anyayahan ang mga taong mahirap pakisamahan, ang mga may “issue” sa buhay, o ang mga taong alam nating huhusgahan tayo ng iba kapag nakita silang kasama natin. Kapag tayo naman ang kasama sa guest list, we usually do an RSVP to let the host know kung makakarating tayo o hindi. Pero sino kaya ang nasa guest list ni Jesus at bakit ito naging controversial noon?
In the Bible, nakasulat ang isang eksena na yumanig sa mga religious leader noong panahon na iyon. Si Jesus ay nasa isang salo-salo. Pero ang mga bisita Niya? Mga maniningil ng buwis — mga taong itinuturing na traydor sa kanilang bayan — at mga “makasalanan.” Para sa mga religious leader, ang kumain kasama ng isang makasalanan ay pagpapatunay na sang-ayon ka sa kanilang ginagawa.
Kaya tinanong nila ang mga disciple ni Jesus, “Bakit ang Guro ninyo ay kumakaing kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”
Ang sagot ni Jesus ay isa sa mga pinakamahalagang pahayag ng Kanyang misyon: “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit… Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid” (Mateo 9:12–13).
Kung ganito ang puso ni Jesus, ganito rin dapat ang puso natin. Kung si Jesus ay bukas ang hapag para sa mga makasalanan, tayo rin ay kailangang magbukas ng puso at tahanan para sa mga taong hindi natin gusto. Baka sa pamamagitan ng ating pagtanggap, maranasan nila ang pag-ibig ng Diyos na nagpapabago ng buhay.
Sino ang mga taong kinakatok ni Jesus ang puso sa pamamagitan mo ngayon? May mga tao kayang nakakaramdam na hindi sila karapat-dapat na maaari mong i-encourage at i-share ang grace na natanggap mo kay Jesus?
LET’S PRAY
Lord Jesus, give me an open heart like Yours to welcome others so that they can feel the love of God. Amen.
APPLICATION
Are there people in your life that need to feel the love of Jesus? Today may be the day that through your invitation (coffee, lunch, or dinner), they can feel that God loves them!
SHARE THIS QUOTE
