21

MARCH 2025

Siya Naman Talaga ang May Kasalanan

by | 202503, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Alma S. de Guzman

Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?” “Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.

Genesis 3:11–12

Sa mga away-bata hindi naiiwasan ang sisihan lalo na kapag tinanong na sila kung sino ba talaga ang may kasalanan sa pagkakamaling nangyari. “Siya naman po talaga ang may kasalanan! Naglalaro lang naman po kami eh!”

Dala ng takot na mapagalitan at maparusahan, kung minsan ay mas madaling manisi ng iba kaysa tumanggap ng sariling pagkakamali.

Katulad din iyan ng kuwento nina Adan at Eba noong tanungin na sila ni God kung paano sila nagkaroon ng kamalayan na sila’y hubad. Ibinaling agad ni Adan ang sisi kay Eba matapos nilang kainin ang prutas na ipinagbawal, at agad niyang sinabi, “Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin.”

Kung ikaw si Adan, isisisi mo rin ba agad kay Eba ang naging kasalanan ninyo? O aakuin mo ba agad ang naging parte at responsibilidad mo sa kasalanang pareho ninyong ginawa?

Sa mundong ito, lahat tayo ay may naging kasalanan sa mata ng Panginoon. Alam Niya ang lahat ng ginagawa natin. Batid Niya rin ang motibo ng ating mga puso sa tuwing dinedepensahan natin ang sarili natin sa pagkakasalang inaakala nating hindi naman kasing bigat kumpara sa ginawa ng iba.

Pero kahit pa alam na ng Panginoon kung ano ang totoo, palagi Niya tayong binibigyan ng pagkakataon na gawin ang nararapat. Kailan man ay wala Siyang panghuhusga o paninising ginawa. Sa katunayan, kahit hindi nagkasala si Jesus, pero dahil sa ating kasalanan, Siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos (2 Corinthians 5:21).

May we all be reminded that blame shifting is not a good practice. Let us learn to admit our part and ask grace from the Lord Jesus Christ who took all the blame because of His love for us and obedience to His Father.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, thank You for taking all the blame to save me from all my sins. Thank You for forgiving me for the many moments that I blamed others for my mistakes. Please help me to be truthful and humble. Amen.

APPLICATION

Mag-decide ngayon pa lang to be truthful and humble. When it happens, admit your mistake. Have the courage to put everything right with God’s help.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 8 =