15
JUNE 2025
Sobrang Mahal Ka Niya
Sa bago nating series, alamin natin ang iba’t ibang katangian ng Diyos para lalong lumalim ang pagkakakilala natin sa Kanya. Welcome to our new series, “The Characteristics of God.”
Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos.
1 Juan 3:1
Isn’t it amazing? Just imagine, tinatawag tayo ng Creator ng universe bilang mga anak Niya. Minsan, nararamdaman natin na naliligaw tayo o hindi tayo karapat-dapat, pero ang verse na ito ay nagpapaalala sa atin ng ating tunay na identity. Kung kinilala natin si Jesus, anak na tayo ng Diyos Ama sa langit at sobrang mahal Niya tayo.
Sa buhay natin, may mga pagkakataon na nararamdaman nating tinataboy o hindi tayo nauunawaan ng mundo. Hindi tayo kinikilala ng mundo sapagkat hindi nila kilala si Lord. Ang ating halaga at identity ay hindi batay sa opinyon ng mundo kundi sa matibay na pag-ibig ng Diyos sa atin.
Alam mo ’yung pakiramdam na secure ka sa love ng isang tao? ’Yung kahit anong bulong o paninira ng iba, hindi ka matitinag dahil secured ka? How much more secure can we be, knowing that the Almighty God loves us completely and calls us His own? His love is so boundless that it exceeds all earthly understanding. Hindi ito maiintindihan ng mundo, pero alam ng Diyos ang lahat ng pinagdaraanan mo at bilang mabuting Ama, nananatili Siyang kasama mo.
Dalhin natin ang katotohanang ito sa ating mga puso at hayaan nating gabayan tayo ng Diyos sa araw-araw nating buhay. Mahal ka Niya. Ikaw ay Kanyang anak. Huwag na huwag mong kalilimutan iyon.
We hope you’ll experience the love of God this day in a special way. See you tomorrow for the continuation of our series “The Characteristics of God.”
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa dakilang pag-ibig Ninyo at sa pagtawag Ninyo sa amin bilang Inyong mga anak. Help us to always remember our identity in You, especially when the world fails to understand us. Give us the strength to walk in Your love daily and to share this love with others. Amen.
APPLICATION
Today, let’s focus on living out our identity as God’s beloved children. When you face challenges or feel misunderstood, remind yourself of who you are in Christ. Ipakita natin ang kabutihan at pag-ibig sa iba, bilang reflection ng pag-ibig na natanggap natin mula sa Diyos.
SHARE THIS QUOTE
