2

SEPTEMBER 2025

Some Words Do Hurt

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Luisa Collopy

Welcome back to our series, “Taming the Tongue.” Paano ba natin mapapaamo ang ating dila para hindi ito maging mabangis at makapanira? Alamin natin sa ating devotion ngayong araw.

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.

Mga Taga-Efeso 4:29

Isang kuya ang sumulat sa kanyang bunsong kapatid na babae nang malaman niyang she was in a bad situation. “Wala kang magandang mararating sa buhay mo. You are a piece of trash, and you will go to hell!”

Michelle was a very young teenager when she received that letter. Inasahan niya noon na kakausapin siya tungkol sa nangyari at bibigyan ng mabuting payo. Instead, her character was assaulted — and she didn’t know how to process it. Kaya hanggang ngayon ay dala-dala niya ang sakit na bunga ng mga salitang iyon.

Do you know that negative words can contribute to long-term anxiety and broken relationships? It’s not easy to forget hurtful words because they can cut deep into our hearts. Sometimes people manifest these negative words into reality, as they can influence our actions and feelings.  

But God does not forget those who have been hurt by careless words nor does He overlook those who said them. Sinabi sa Proverbs, “Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan, ayon sa kanyang salita siya’y gagantimpalaan” (Mga Kawikaan 18:20). Jesus once again talked about hurtful words, the judgments, and condemnations we have for others: “Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid” (Mateo 7:1–3, 5).

Words do hurt, so pray before you speak!

 

Don’t be negative, be positive! Let us fill our minds with God’s Word and His will, and we will have a positive outlook on life and it will spill into how we speak. Kaya join us again tomorrow sa pagpapatuloy ng ating series na “Taming the Tongue.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, help me to tame my tongue and speak the truth with love. Remind me na mahirap bawiin ang mga salitang hindi maganda.

APPLICATION

List five positive words and write the name of a friend next to each one. Say these positive words to your friends the next time you see them.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 13 =