27
SEPTEMBER 2025
Starting Over Again
“Umuwi na kayo at magdiwang, kumain kayo at uminom ng bagong alak! Bigyan ninyo ang mga walang pagkain at inumin sapagkat ang araw na ito ay banal para kay Yahweh, kaya huwag kayong malungkot. Ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo.”
Nehemias 8:10
Nabasa mo na ba ang napakagandang kuwento ni Nehemiah? God gave him a burden to lead a daunting project — rebuilding the walls of Jerusalem, their homeland.
More than 100 years after wasakin ng Babylon ang Jerusalem, nasa durog at nakakahiyang kalagayan ang lungsod na ito. Ang kawalan ng pader sa palibot ng Jerusalem ay nagpapakitang ang lungsod na ito ay talunan, tinitirhan ng mga mahihinang tao, at walang matibay na shield sa kalaban o wild animals man lang.
Under the inspiration and guidance of God, Nehemiah led the Jews to rebuild the walls of Jerusalem in just 52 days! Sa kabila ng lawak at hirap ng task, maraming oposisyon, at panlalait ng kalaban, natapos nila ang project successfully.
Nang naka-settle na sa kani-kanilang bayan, nagtipon ang mga Israelita at hiniling nila kay Ezra, isang priest at scribe, na kunin ang aklat ng Kautusan ni Moses na ibinigay ni Yahweh sa Israel.Ito ay binasa ng mga Levita, isinalin sa kanilang wika, at ipinaliwanag upang maunawaan ng mga tao. “Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag ang kanilang kalooban at sila’y umiyak” (Nehemiah 8:9). Pero sila ay inencourage ni Nehemiah na huwag malungkot at umiyak, sa halip ay mag-celebrate dahil ang araw na ito ay banal para sa Diyos.
Starting over again — ganito na ang takbo ng part na ito ng kuwento. After decades of being slaves and strangers in a land that’s not their own, sila ngayon ay nasa sarili na nilang tahanan. They chose to start over by learning about the Law of God at alalahanin ito sa araw-araw nilang pamumuhay sa lupang ipinangako sa kanila ng Diyos.
May “starting over again” season ka rin ba? Kung dumadaan ka rito ngayon o sakaling dadaanan mo ito in the future, sana’y piliin mong magsimula muli by making God’s word the guiding light to your path.
LET’S PRAY
Lord, hindi madali ang magsimulang muli. Maraming uncertainties at minsan ay nakakatakot. Give me the determination and courage to make Your word my guide and source of wisdom all the time. Amen.
APPLICATION
Memorize Psalm 119:105–109. Isulat ito araw-araw sa loob ng seven days upang hindi malimutan.
SHARE THIS QUOTE
