15
AUGUST 2025
Sunog!
Sapagkat sinabi ng Diyos “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
Mga Hebreo 13:5b
Pauwi na si Jimmy sa bahay galing sa klase. Second year college student siya noon. Napansin niya na maraming sasakyan na naka-park sa kalye. “Siguro may party,” sabi niya sa sarili.
Kumaliwa siya sa kanto papunta sa bahay. Kaya pala maraming sasakyan — may bahay na nasunog. At mukhang katatapos pa lang nito dahil nakikita pa rin niya ang usok. Masakit din sa kanyang ilong ang amoy.
Teka, bahay pala nila ang nasunog. Maraming tao ang dumating — mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay – para makiramay at mag-encourage sa kanyang pamilya.
Sinalubong siya ng kanyang kuya, na nagpakita sa kanya ng extent ng damage sa bahay nila. Walang natira kundi yung mga dingding na semento. Noong umalis si Jimmy nang umagang iyon papuntang school, nandoon pa rin ang kanilang bahay. Ngayon ay abo at usok na lamang.
That night, lumipat ang buong pamilya sa mas malaking bahay ng kapatid ng tatay niya.
Days after that, tuwing gigising siya sa umaga, makikita niya yung kakaibang kisame saka maiisip, “Oo nga pala, hindi ito ang bahay namin.” It took several days para matanggap niya ito.
Isang gabi, habang naghahanda sa pagtulog, naiiyak siya dahil sa nangyaring trahedya. As a Christian, gusto sana niyang tanungin ang Diyos, “Lord, bakit po Ninyo pinabayaang masunog ang bahay namin? Bakit yung mga kapitbahay namin na hindi naman naniniwala sa Inyo, safe naman ang bahay nila?”
Ngunit na-realize din niya ang pangako ng Diyos in Hebrews 13:5b (NIV), “I will never leave you nor forsake you.”. “Hindi pala ako dapat na mangamba. Hindi Niya ako pababayaan,” sabi ni Jimmy.
Dahil sa ganitong perspective, hindi na niyang nakuhang magtanong at magtampo sa Diyos. Naalala din niya ang isa pang pangako sa Romans 8:28 (NIV), “ And we know that in all things God works for the good of those who love him.”
Naging panatag na ang loob ni Jimmy. Mahimbing ang kanyang pagtulog nang gabing iyon. At sa mga sumunod pa.
LET’S PRAY
Salamat po sa Inyong pangako. Nandyan po Kayo sa tabi ko sa bawat pagsubok na darating sa aking buhay. Palakasin po Ninyo ako para maging matagumpay ako.
APPLICATION
Magpasalamat ka sa Diyos sa kanyang patuloy na pag-iingat at pag-aaruga sa iyo.
SHARE THIS QUOTE
