22
FEBRUARY 2024
Sunrise
Darating kayong kasingliwanag ng araw; may sinag na lumalabas sa inyong mga kamay kung saan nakatago ang inyong kapangyarihan.
Habakuk 3:4 (TCB)
Morning person ka ba? Isa sa benepisyo ng paggising nang maaga ay makita ang pagsikat ng araw. May thrill at pananabik pag nakita mong unti-unting tumataas ang araw at pinapalitan nito ang kadiliman ng gabi. Kaya angkop ang tawag dito — madaling araw, bukang liwayway, daybreak, or simpleng pagsikat ng araw.
Nasubukan mo na bang mag-sunrise watching? May mga taong mahilig mag-sunrise watching. Aalamin nila kung anong oras ang sunrise. Maghahanap ng sure spot where they can watch the full splendor of the sunrise. Pero may mga pagkakataon na hindi tama ang impormasyon. Kaya matagal magmamasid sa madilim na kalangitan. Maaring mainip sa paghihintay. Kasi paano lalabas ang araw in the next few minutes gayung madilim pa ang kapaligiran? Ang hirap maghintay sa ganitong pagkakataon. Parang mapapatanong sila, “Anong oras kaya talaga lalabas ang araw?” Baka naman nagkamali ang Google kung anong oras? O baka naman hindi makita dahil sa kapal ng ulap? Kung ikaw ito, give up na ba?
Don’t give up kasi sigurado na may sunrise. Hindi lang sigurado kung anong exact time mo makikita.
Ang sunrise ay puwedeng simbolo ng presensya ng Diyos sa ating buhay. Ang araw ay hindi nawawala. Andiyan lang ito, hindi lang natin makita. Minsan, natatakpan ng ulap o bundok ang araw. Akala natin hindi na sisikat kaya naiinip tayo.
Pero mas madaling maghintay kung naniniwala ka na tiyak na sisikat ang araw. Gaya ng pag-ibig at presensya ng Diyos sa atin, mas madali maghintay if we have the faith na andiyan lang Siya. Kailangan lamang ng patience sa tila mabagal na pagpapakita ng Kanyang presensya. Antay ka lang.
LET’S PRAY
Lord, salamat at lagi Kayong nandiyan kahit minsan ay hindi ko Kayo agad makita. Thanks for the assurance that Your presence is as sure as the rising of the sun.
APPLICATION
Try to wake up early and watch the rising sun. Pray that it will constantly remind you to be aware of the loving and sure presence of God no matter how dark your day seems to be.