11
JULY 2022
Surrender Your Negative Thoughts to Jesus
Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin. Kapag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”
Awit 91:14–16
Kamusta ka? Kamusta ka ngayong panahon na puno ng uncertainties? Maraming bagay at mga pangyayari ang nagti-trigger minsan ng mental health issues gaya ng anxiety, depression, paranoia, eating disorders, at marami pang iba. Whenever you experience any of these, what do you usually do?
There was this woman who had to struggle with her mental health. Habang siya ay buntis, nalaman niya na her husband and their friend became too comfortable with each other. Too close, in fact, to the point na nagkayayaan sila na manood ng sine na silang dalawa lang.
Kinumpronta niya ang kanyang asawa, who denied it. Nang makapanganak siya, she experienced postpartum depression. Araw-araw, nararamdaman niya na pwedeng may mangyaring masama sa kanya at sa kanyang baby. May mga panahon na iniisip niya na baka mapatalon siya mula sa bintana ng condo nila bitbit ang kanyang anak. Minsan naman, naiirita siya sa kanyang anak at sinisigawan niya ito. She struggled and didn’t want to stay this way.
Being a Christian, she thought about surrendering her feelings to the Lord. Every day, she prayed and read her Bible. After two months, pinalaya siya ng Panginoon mula sa kanyang postpartum depression.
Sometimes, instead of turning to God, we go to temporary fixes for our problems. We make the problem go away by shopping, hanging out with friends, or having vices. Pero si God, hinihintay lang Niya tayong lumapit sa Kanya at bibigyan Niya tayo ng kapahingahan (Mateo 11:28). The psalmist, in Psalm 147:3, says, “He heals the brokenhearted and binds up their wounds.” Jesus Christ is the healer of every pain, every sickness, and every heartache in our lives. Trust and believe that He can heal you and set you free.
LET’S PRAY
Abba Father in heaven, teach me to turn to You and offer at Your feet all the struggles and pain in my life. Hindi ko po kaya sa sarili ko lamang at naniniwala ako na Kayo ang papawi ng bawat sakit at Kayo ang aking pag-asa sa bawat umaga.
APPLICATION
Lumapit sa Diyos at magpakumbaba. Hingin ang Kanyang tulong sa bawat araw ng iyong buhay. Magbasa ng Bible, manalangin, sing praises to Him. Manatili sa kapayapaan ng Kanyang presensya.