24

OCTOBER 2025

The Best Kind of Help

by | 202510, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Edwin D. Arceo

Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.

Mateo 6:1

Siguro nakapanood ka na ng mga social media influencer na tumutulong sa mga mahihirap sa YouTube or sa Facebook. Naghahanap sila ng mga taong matutulungan pero kailangan merong kakaiba or malungkot na istorya sa buhay ang mga ito para pagtuunan nila ng pansin. Magbibigay sila ng tulong either sa pamamagitan ng pera or pagbibigay ng opportunities na makapag-aral or makapag-trabaho. Ang kapalit nito ay magshu-shoot sila ng video documenting how they were able to alleviate the life of the person.

It looks very noble sa biglaang tingin. Mapapa-“aww” ka na lang sa tuwa kasi nakatulong at nakapagpasaya ang mga influencer ng isang simpleng tao. Pero lahat ng ito ay may kapalit: views, likes, thumbs up, at mga bagong followers. Marami sa mga influencer na ito ay magkakaroon ng opportunity na maibalik ang ginastos nila dahil kikita sa views at ads from their social media channels.

I’m sure marami sa atin ang fans ng mga influencer na ito at sinusundan natin dahil marami silang natutulungan. Pero ang sabi ng Bible, merong mas mataas na level ng pagtulong or pagbibigay. It’s called giving in secret.

This kind of giving or helping has a greater reward than just views and likes because God is the one giving the reward. Huwag daw tayong maging katulad ng iba na ina-announce pa ang pagbibigay ng tulong. Ang sabi ni Lord huwag natin ipaalam ang ating pagtulong. Give your help in private. In that way, your Father in heaven who sees what is done in private, will reward you. Mas gusto natin ’yun, di ba?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama naming nasa langit, salamat at Kayo ang aming Great Rewarder. Tulungan Ninyo ako na makatulong din sa mga nangangailangan. Hindi ko ito ia-announce dahil ang gusto ko ay sa Inyo mapunta ang lahat ng glory and praise. Amen.

APPLICATION

Many people need help today, and you can only help so much. Pray to the Lord, our Great Provider to guide you kung sino ang dapat mong tulungan.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 6 =