7

OCTOBER 2024

The Dignity of Man

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Kit Cabullo

Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga — iyon ang ikaanim na araw.

Genesis 1:31

May paborito ka bang alahas? Mahalaga ito kapag alam mong gawa ito sa mamahaling bato o kapag regalo ito ng importanteng tao sa buhay mo. Gayundin ang sagot sa tanong na ito: Saan nakabase ang ating dignidad bilang tao? Whatever our answer is to this question will define how we treat ourselves and others. 

Napakaraming magagandang katotohanan tungkol sa atin ang makikita dito sa unang mga pahina ng Biblia. Makikita nating si Lord ang lumikha sa atin at ang ating buhay ay regalo Niya sa atin. At nang matapos Niyang likhain ang lahat, tumingin Siya sa mga ito at “lubos Siyang nasiyahan” (v. 31). He saw that it was very good!

God intended goodness for all creation, especially for humans. Meron tayong mahalagang dignidad dahil nilikha tayo in the image of God. We are His representatives, and He shares His work with us!

Dito natin ibase ang pagkatao natin at ng ating kapwa. Kung nahihirapan tayong pahalagahan ang ating sarili, alalahanin natin na hindi tayo ginawa ng Diyos ayon sa kasamaan o para sa kabiguan. Kung nahihirapan tayong makita ang kabutihan sa ating kapaligiran at kapwa, balikan natin ang katotohanan na ang lahat ay nilikha ng Diyos nang may kagandahan at para sa kabutihan. Let us trust that God will not leave His creation broken and unrestored. Darating ang panahon na “papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay” (Pahayag 21:4).

For now, let’s value ourselves and our neighbor according to God’s creation and ongoing restoration of humanity. Our dignity is defined by our Divine Designer.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, You have created us with dignity and purpose. Tulungan po Ninyo kaming ibigin ang aming sarili at aming kapwa ayon sa Inyong kalooban.

APPLICATION

Kapag nagkakamali tayo o ang ibang tao, normal lang ang disappointment. But let us base our respect and love on the truth that God defines our dignity. Memorize the Inspirational Quote at the end of this message. Magpatawad tayo ayon sa katotohanang ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 13 =