2
JULY 2024
The God of the Valleys
Lumapit muli sa hari ng Israel ang lingkod ng Diyos at sinabi sa kanya, “Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Sapagkat sinabi ng mga taga-Siria na ako ay Diyos ng kabundukan at hindi Diyos ng kapatagan, ipapalupig ko sa iyo ang hukbong iyan sa kabila ng kanilang dami at lakas. Makikita ninyo ngayon na ako nga si Yahweh.’”
I Hari 20:28
May pinagdadaanan ka bang matinding problema ngayon? Dahil ba dito, napatanong ka : Where is the Lord in all this? Bakit hindi Niya ako tinutulungan? Nakalimutan na ba Niya ako?
Damang-dama natin ang suporta ng Diyos when things are going well. We feel like He is with us on the highest mountain. Pero kapag may trials tayong hinaharap, pakiramdam natin, He had abandoned us in a dark valley to suffer.
We can take comfort and inspiration sa nangyari sa 1 Hari 20. Naniniwala ang maraming pagano sa lumang tipan na ang kapangyarihan ng mga diyos ay limitado sa iisang teritoryo. Dahil nakaranas ng pagkatalo ang mga taga-Siria sa Israel noong naroon sila sa kabundukan, inassume nila na kung dadalhin nila ang laban sa patag, sila naman ang mananalo dahil wala nang kapangyarihan doon ang Diyos ng Israel. Pero nagkamali sila. Nagpadala ang Diyos ng isang propeta para sabihin sa hari ng Israel na mananalo sila kahit na ang laban ay mangyayari sa kapatagan. Sa paraang ito, mapapatunayan Niya na Siya ang tunay na Diyos at walang limitasyon ang Kanyang kapangyarihan.
Lagi nating tandaan: When we are at a low point, it doesn’t mean that God has forgotten us or that He does not have the power to help. Sabi nga sa Roma 8:28, ginagawa ng Diyos ang lahat sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. Remember that He is a loving, faithful Father to us. He will come to our rescue and take us away from our dark, difficult valleys.
LET’S PRAY
Lord, ipaalala Ninyo sa akin kung paano Ninyo ako tinulungan in the past. Dito ako huhugot ng lakas dahil kung nagawa Ninyo ito noon, gagawin Ninyo ito uli para sa akin. Ngayon pa lang, I claim victory over this problem I am facing, in Your name.
APPLICATION
Financial problem ba ang kinahaharap mo ngayon? Maglista ng tatlong pagkakataon kung saan dumating ang solusyon just at the right time. Puwede itong gawin para sa ibang klaseng problema: problema sa pamilya, sa relationship, sa career, o iba pa. Then, thank the Lord again for each answered prayer one by one, and claim na paparating na ang sagot sa problemang kinahaharap mo ngayon.