8
OCTOBER 2025
The Power of Gentleness

May kilala ka bang taong mahinahon? Let’s find out more about the fruit of gentleness. Welcome to our series “Fruit of the Spirit.”
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.”
Mga Taga-Galacia 5:22–23
Hindi ba’t ang sarap kasama o maging kaibigan ang isang taong mahinahon? Ang pagiging mahinahon o gentle ay isa sa mga bunga ng Espiritu na nakikita sa pamumuhay ng mga taong nakipag-isa kay Jesus.
Ang pagiging gentle ay character na pinapakita natin sa ibang tao. Ito ay ang pagiging kalmado, pagtama sa mali ng iba nang may pagpipigil at walang judgment dahil gusto nating may matutunan ang taong itinatama. Ang isang taong gentle ay marunong magpatawad sa pagkakamali ng iba, at siya rin ay mapagkumbaba pag siya naman ang itinutuwid sa kanyang pagkakamali.
Ang taong gentle ay hindi basta nagsasabi ng kanyang saloobin para lang manalo sa argumento at lumabas na siya ang nasa tama. Inuunawa niya ang iba kaya hindi siya mabilis maghusga at magpataw ng parusa.
Jesus is the perfect example of gentleness. Ipinakita Niya sa atin kung paano maging mahinahon at puno ng kabutihang-loob sa kapwa. Nagpakita Siya ng gentleness sa mga taong mababa ang tingin ng lipunan dahil itinuturing silang “sinners.” Ang adulterous woman, ang tax collector na si Zaccheus, maging ang kriminal na katabi Niya sa krus, ilan lang sila sa nakaranas ng gentleness ni Jesus.
Hindi madali ang mamuhay nang may gentleness. Bilang tao kasi ay madali tayong ma-offend at madala ng emosyon kapag hindi natin binantayan ang ating mga sarili. Ngunit kung tayo ay na kay Cristo, nasa atin din ang Kanyang Spirit at pamumungahin Niya sa ating buhay ang gentleness. Kaya madi-display natin sa mundo ang gentleness na galing sa Espiritu ng Diyos. At ang gentleness na makikita sa ating mga iniisip, sinasabi, at kinikilos ay magiging opportunities para makilala nila si Jesus.
Kaya bago ka sumagot, magsalita, magbaba ng desisyon o mag-comment sa iyong kapwa, o bago ka mag-post sa social media, pause muna. Timbangin mo muna kung ang iyong naiisip at sasabihin ay magre-reflect ng gentleness ni Jesus sa buhay mo. The Holy Spirit will give you the power to exercise gentleness.
We hope you’ll join us again tomorrow for the last part of our series “Fruit of the Spirit.” See you!
LET’S PRAY
Lord Jesus, I want to live with a gentle spirit. Salamat dahil alam kong sa pamamagitan ng Holy Spirit, ang bunga ng gentleness ay makikita sa buhay ko. I want to glorify You in my life by living in gentleness. Amen.
APPLICATION
Anong mga bagay, sitwasyon o pag-uugali ang minsan ay sumusubok sa iyong gentleness? Isulat ang mga ito para maging aware ka sa iyong trigger points at idulog ang mga ito sa prayer.
SHARE THIS QUOTE
