5

APRIL 2025

The Power of Unforgiveness

by | 202503, 202504, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Edwin D. Arceo

Kaya’t mag ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya’y magsisi, patawarin mo. Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ kailangang patawarin mo siya.” Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!”

Lucas 17:3–5

Na-offend ka na ba ng isang tao dahil sa isang napaka-petty or trivial na bagay? Tapos hirap na hirap kang mag-move on? Torture ’di ba? Araw-araw kang naiinis sa kanya sa tuwing makikita mo siya o maririnig ang boses niya. Ikaw pa ang iiwas para hindi kayo magkasalubong sa hallway ng school or ng workplace ninyo.

Nakakapagod ang ganung routine especially kung ilang taon mo na itong ine-endure. I’m sure nakaka-experience ka na ng negative mental health issues dahil sa pinagdadaanan mo.

This is the power of unforgiveness that an offense has over your life.  Left on its own, its power increases every day. Darating ang time na all you can think about is this person and the offense done to you.

In our Scripture today, Jesus is teaching about forgiveness. Napakahalaga ng usapan na ito between Jesus and the disciples dahil ang unang instruction ni Jesus is “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo…” Dito tayo laging nagfe-fail. Kinikimkim na lang natin ang offense hanggang sa ang unforgiveness natin ay naging bitterness.

Kaya kailangan talaga natin ng faith katulad ng hiningi ng mga disciple kay Jesus dahil kailangang malaman ng naka-offend sa iyo na na-offend ka. Otherwise, unforgiveness sets in. This requires a lot of faith and courage dahil tayong mga Pinoy ay non-confrontational at titiisin na lang ang lahat ng sakit.

Follow what Jesus said. Go to your brother or sister. Let them know that you are bearing a grudge dahil sa offense sa nagawa nila sa iyo. If they ask for forgiveness, patawarin mo. Then start over again with this person. Tayo ang nagbibigay ng power sa unforgiveness. Tayo rin ang makakatanggal ng power nito sa buhay natin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, please give me faith to tell those who offended me that this is what I feel. I release forgiveness in Your name. Amen.

APPLICATION

Kunin mo ang notebook mo at isulat ang pangalan ng mga naka-offend sa iyo at ang name ng offense. Pray for strength to go to your brother or sister and tell them that you were hurt. Then forgive.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 13 =