19
NOVEMBER 2024
The Rainbow Connection
Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo.
Genesis 9:13
First time kong makakita ng rainbow while on a flight. Surprisingly, kahit pala nasa ibabaw ka ng ulap ay hindi mo pa rin makikita ang rainbow’s en
Sabi sa Wikipedia, “A rainbow … comes from an optical illusion caused by any water droplets viewed from a certain angle relative to a light source.” Notice the word illusion. Isang guni-guni lang ba ang rainbow?
“Apatnapung araw na bumaha sa daigdig. Lumaki ang tubig … hanggang sa lumubog ang lahat ng matataas na bundok, at tumaas pa nang halos pitong metro sa taluktok ng mga bundok. Namatay ang bawat may buhay sa lupa — mga ibon, maaamo at maiilap na mga hayop, lahat ng gumagapang sa lupa, at lahat ng tao. Ang lahat ng may hininga sa ibabaw ng lupa ay namatay” (Genesis 7:17, 19–22). Maliban ito kay Noah, ang kanyang asawa, mga anak at mga manugang niya at bawat uri ng hayop na iniutos ng Diyos na isama niya sa barko.
Nang wala nang baha at nang matapos maghandog sa Kanya ni Noah, sinabi ng Diyos: “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao … Hindi ko na lilipuling muli ang anumang bagay kagaya ng ginawa ko ngayon” (Geneis 8:21). Idinagdag pa ng Diyos, “Wala nang baha na gugunaw sa daigdig … Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo. Tuwing magkakaroon ng ulap at lilitaw ang bahaghari, aalalahanin ko ang aking pangako sa inyo at sa lahat ng hayop” (9:11b, 13–15).
Hindi isang guniguni ang rainbow at kalakip nito ang isang magandang pangako ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilalang. Kaya bumaha man ng napakalalim sa inyong lugar o sa ibang parte ng mundo at maraming mamatay, tandaang hindi ito ang katapusan ng mundo.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa kagandahang hatid ng bahaghari — isang simbolo ng pagmamahal Mo sa amin!
APPLICATION
Basahin ang Genesis chapters 7 to 9 at isulat ang mga natutunan mo mula sa narrative ng Noah’s ark.