8
SEPTEMBER 2026
The Truth About Mary
At sinabi ni Maria, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon … ”
Lucas 1:46
Kilala si Mary sa buong mundo. In fact, her role as the mother of Jesus has prompted many to venerate her. Ginawa rin siyang mediator ng iba upang ihatid ang kanilang mga hiling at dasal sa kanyang anak. Pero narito ang katotohanan tungkol kay Mary.
Noong nagkita ang mag-pinsang buntis, hindi lang si Elizabeth ang natuwa sa reunion na iyon. Ultimong ang batang dinadala ni Elizabeth ay lumundag sa tuwa nang marinig ang kanilang batian. Pero kahit isang papuri ang tinanggap ni Mary kay Elizabeth, she didn’t hesitate to point her cousin in the right direction. Sinabi ni Mary:
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon
at ang aking espiritu’y nagagalak sa Diyos na aking
Tagapagligtas.
sapagkat nilingap niya akong kanyang abang
alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao’y tatawagin akong mapalad;
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan.
Siya’y banal!” (Lucas 1:46–49).Mary wasn’t prideful because of the special child she was carrying. Hindi niya naisip na mas higit siya dahil ipinagbubuntis niya ang Anak ng Diyos. Instead, she immediately gave praise and thanks to God.
Ikalawa, aminado si Mary sa kanyang abang katayuan at ang kanyang pangangailangan ng savior. Tao lamang siya, at walang iba kundi ang Diyos can cleanse her sins.
Ikatlo, Mary recognized the great blessing she received from God. She was the woman prophesied in Scripture, the virgin who will give birth to the Messiah. Ang pagsunod niya sa kautusan ng Diyos ang naghatid sa kanya ng karangalan.
Ikaapat, hindi niya inisip na banal siya dahil alam niyang Diyos lamang ang matuwid. She bowed down in humility and did not consider herself equal to God even though she was chosen to be the mother of God’s Son.
Si Mary ay isang abang lingkod ng Diyos, a great example of humility and obedience.
LET’S PRAY
Salamat, O Diyos, sa buhay ni Mary na nagpapatunay na ang mapagkumbaba at masunurin sa Inyong Salita ay tatanggap ng karangalan sa Inyo.
APPLICATION
Based on what you just heard and read, what truth about Mary stands out the most to you? Why?
SHARE THIS QUOTE
