16
JULY 2025
Tinatawag Ka Niya
Israel, ito ang sinasabi ni Yahweh na lumikha sa iyo, “Huwag kang matatakot sapagkat ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.”
Isaias 43:1
May alam ka bang hayop na marunong tumawag ng pansin ng kanyang kauri gamit ang unique na pangalan nito? Ayon sa pag-aaral na ginawa sa Kenya gamit ang artificial intelligence algorithm, ang mga adult savanna elephant ay nakaka-imbento ng pangalan para sa mga mas batang elepante. These young elephants react when they hear their names being called. In fact, when the researchers played a recording to an elephant of its friend or family member calling out its name, “the animal responded positively and energetically.”
To comfort the Israelites who were in exile, God told them through the prophet Isaiah: “Do not be afraid — I will save you. I have called you by name — you are mine” (Isaiah 43:1, GNT). Ang mensaheng ito ay paalala sa mga Israelite na tinawag sila ng Diyos para maging Kanya, at kung ganun, hindi Niya sila pababayaan — iingatan, sasamahan, at aalagaan Niya sila kahit na, o lalo na nga, kung dumadaan sila sa paghihirap at peligro.
God sent His Son Jesus to be the Shepherd of all who are lost. Hinahanap at tinatawag ni Jesus ang lahat ng mga tupang naliligaw para hindi na sila mapahamak at makasama Niya magpakailanman nang ligtas at panatag. Kumakatok Siya sa puso natin para tanggapin Siya sa ating buhay (Pahayag 3:20). At kung kinilala na natin Siya bilang Savior and Shepherd of our soul, we will hear His voice through the Holy Spirit dwelling in us (John 10:27; John 16:13; John 14:26).
Napakasarap malaman na Jesus calls us by name. Hindi lang tayo isang mukha sa gitna ng napakaraming mga tao. Bawat isa sa atin ay espesyal na nilikha ng Diyos, kilala Niya at binigyan Niya ng pangalan. Iingatan Niya tayo, sasamahan, at aalagaan sa lahat ng sitwasyon. Hindi ka ba niyan kikiligin at magtatatalon sa tuwa?
LET’S PRAY
Thank You, Lord Jesus, for calling me by name and for the assurance of Your protection and guidance. I believe in You and trust in You.
APPLICATION
List the names of people that the Lord will put into your mind. Ask these people how you can pray for them.
SHARE THIS QUOTE
