9

APRIL 2025

Tito and Tita Moves Unleashed

by | 202504, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jericho Arceo & Written by Abi Lam-Parayno

Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.

Deuteronomio 6:7

Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.Deuteronomio 6:7

April and May 2024 were the months when Total Performer Gary V gifted the Filipinos with yet another world-class 3-day show with his Pure Energy: One Last Time concert at the MOA Arena. Having began his career 40 years ago, it is expected that most of his fans can already be considered the titos and titas. True enough, sila nga ang karamihan sa mga nanood ng nasabing concerts. Throwback galore na muling marinig at mapanood nang live si Gary with his hits, “Di Bale Na Lang,” “Wag Mo Na Sanang Isipin,” “Sana Maulit Muli,” at marami pang iba. Looking around, tunay ngang na-unleash ang tito ang tita moves ng audience, with matching pagsabay pa sa kanya dahil memorized nila ang lyrics ng mga kanta!

Among the concert goers, kapansin-pansin din na may millennials at from Gen Z na sinama ng kanilang mga magulang, o sinamahan ang kanilang mga lolo at lola. Nakakatuwa silang panoorin na nage-enjoy sa pagsayaw at pagkanta kahit na ba most of them ay chorus lang ang alam na lyrics. Pero mas nakakatuwa na nakasama sila sa ganitong experience dahil alam naman natin that Gary V’s performances are not only superb and entertaining kundi palaging kapupulutan ng inspiration at encouragement. He always makes sure that he shares the Word of God, leaving people feeling blessed, hopeful, and motivated to know God more.

And we know that even the millennials and Gen Z will benefit in hearing these things. Sa dami ng pressures at stressors sa work, studies, and relationships, hearing Gary V’s testimony is like learning from a kuya, a father, or a tito who genuinely loves the Lord.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, ituro po Ninyo sa akin kung kaninong puso ang gusto Ninyong hipuin sa pamamagitan ng buhay ko. Buksan po Ninyo ang aking mga mata upang makita kung kanino ko dapat i-share ang Inyong Salita.

APPLICATION

Sa darating na Linggo, isama mo ang iyong anak, pamangkin, o estudyante sa church service. Ipagdasal na mangusap sa kanya ang kanyang mga maririnig na preaching at worship songs sa araw na iyon. Malay mo, baka ito na ang simula ng kanyang personal relationship with Jesus. Or kung ikaw ang young person, sumama ka sa parents, titos or titas, o teacher mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 12 =