8
SEPTEMBER 2024
Tiyak Magbubunga
Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito’y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.
Isaias 55:11
Bata pa lang si Chelle, sinasama na siyang palagi ng nanay niya sa church para dumalo ng Sunday school. Kapag summer, ini-enroll siya sa five-day DVBS, o Daily Vacation Bible School, para mas lalo niyang makilala si Lord through a study of Bible stories fit for children. Binibigyan din siya ng nanay niya every Sunday ng twenty pesos na pang-offering niya kay Lord. At para lalo siyang ganahang magsimba, minsan ay binibilhan siya ng nanay niya ng isusuot na ternong damit.
Pero nang mag-high school si Chelle, naimpluwesyahan siya ng mga kaklase — natuto siyang magbisyo, at tinamad nang mag-church. Fast forward, namatay na ang nanay niya na laging nagpapaalala at nananalangin para sa kanya. But a near-death experience due to an illness brought her to her senses. She cried out to God, and the Lord heard her. Now she is recovering, but more importantly, she has returned to God — consciously acknowledging Him daily, reading His Word, listening to podcasts, and regularly praising the Lord. At ang madalas niyang kantahin? Ang favorite worship song ng mother niya na kinakanta nila noon when Chelle used to attend church.
Maaaring may anak, kaibigan, o baka tayo mismo ay dati nang kumilala kay Jesus as Savior at nakapakinig ng Word of God. Pero baka sa paglipas ng panahon ay binalewala natin, napunta sa ibang bagay ang attention natin, nakalimutan natin si God. Sabi ng Isaiah 55:11, anumang salitang binigkas ng Diyos ay hindi babalik sa Kanya ng walang kabuluhan. Kung nakapakinig ng Salita ng Diyos ang mga mahal natin sa buhay, o tayo mismo, magbubunga iyon ayon sa kalooban ng Diyos. And God’s will for us is to be with Him and set apart for Him — living a purposeful life filled with God’s love and grace.
LET’S PRAY
I praise You, O God, for Your Word and purpose for our lives will always prevail. Ang sinabi Ninyo, tiyak na mangyayari.
APPLICATION
Pray for someone who may have chosen to live apart from God and expect that in due time, God’s Word will come to pass in the life of this person.
SHARE THIS QUOTE
