28

JUNE 2022

To Be Saved Like Zacchaeus

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Shiara Denise Cano

Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin para sa isang banal na gawain. Ginawa niya ito, hindi dahil sa anumang nagawa natin, kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob. Sa simula pa, ito ay ibinigay na niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

2 Timoteo 1:9

Kilala mo ba si Zacchaeus? A tax collector during this time, many people hated him for being a greedy cheater. Nung marinig niyang papunta si Jesus sa lugar nila sa Jericho, na-curious siya at ginusto niya makita ito. Dahil maliit na tao si Zacchaeus at sa dami ng tao, hindi niya makita si Jesus kaya umakyat siya sa puno ng sycamore.

Pagdaan ni Jesus, napatingala Siya at nakita si Zacchaeus sa may puno. Tinawag Niya ito sa kanyang pangalan, pinababa at sinabi na kailangan Niyang tumuloy sa kanyang tahanan. Matapos ang kasiyahan, sinabi ni Zacchaeus kay Jesus na ipamimigay niya ang kalahati ng kanyang kayamanan at babayaran niya ang kanyang dinaya nang apat na beses (Luke 19:1–10).

Zacchaeus’s story is just one of the many stories of the grace of God. Napansin mo ba ang detalye sa kwento na si Jesus mismo ang pumunta sa Jericho? That led to the tax collector’s curiosity. In the same way, nung tinanggap mo si Jesus sa buhay mo, hindi ‘yun nagkataon lamang. It is because He had chosen you to see Him.

Jesus looked up the tree. Alam niya kung nasaan si Zacchaeus. Gaya mo, alam Niya kung saan at kailan ka hahanapin. He called Zacchaeus by his name. Kilala Niya tayo. God has called and is calling you by name.

It is by God’s grace alone kaya tayo ay may buhay na nagbabago gaya na rin ng nangyari kay Zacchaeus. He repented of his sins and made things right with the people he cheated. He gave up his ill-gotten riches because of what Jesus did for him. He was given grace, forgiveness, and salvation.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Father God, marami pong salamat sa Inyong biyaya sa aking buhay. Thank You so much for the love through Christ our Savior and Redeemer. Salamat dahil ginawa Ninyo ang lahat para sa amin that even if we sin, Your grace is much bigger than the sin we committed against You. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Recognize that we are called His children because of His grace alone. Lumapit tayo sa Kanya na may pagpapakumbaba at all times. Hanapin natin ang Kanyang kalooban.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 5 =