22
DECEMBER 2025
Tuloy Po Kayo!
Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.
Pahayag 3:20
Nag-file ng bankruptcy ang mag-asawa. Dahil dito ay rematado ang mga ari-arian nila, kasama ang kanilang bahay. Malayo sila sa kanilang mga kamag-anak kaya naisipan nilang kumatok sa bahay ng kanilang kaibigang mag-asawa. Sa awa ng Diyos, hindi sila itinaboy. Kinupkop sila for one month hanggang sa makahanap sila ng apartment na mauupahan.
More than 2,000 years ago, Joseph and Mary had to travel from Nazareth to Bethlehem, back to their hometown, for the first-ever census ordered by Governor Quirinius. If you like to travel during the holiday season, you can imagine the traffic. Mahirap ding maghanap ng accommodations kung wala kang confirmed reservation.
Unfortunately, ganyan ang nangyari kina Joseph and Mary, na buntis pa naman. “Habang sila’y nasa Betlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan” (Lucas 2:6–7).
Ilan kaya ang kinatok nina Mary and Joseph? Ano kaya ang kanilang naramdaman sa “No vacancy!” response sa kanila? Buti pa ang pamilyang nakatuloy agad sa tahanan ng kanilang friends! They didn’t have to go through a list. Their friends opened their home and hearts without hesitation.
Alam mo bang ang pagkatok ni Joseph and Mary sa mga bahay-panuluyan at ang kapanganakan ni Jesus sa sabsaban ay mga bahagi lamang ng kuwento sa buhay ni Jesus para sa ating kaligtasan? Sa aklat ng Pahayag ay may binanggit din tungkol sa pagkatok. “Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo,” ang sabi ni Jesus (3:20). Patutuluyin mo ba si Jesus o “No vacancy” rin ba ang isasagot mo?
We pray that you will open your heart to the Lord Jesus and accept Him as your Savior. ‘Wag mong palagpasin ang araw na ito nang hindi mo Siya pinapapasok sa puso mo. And we hope that you welcome us once again into your homes tomorrow. Sabay-sabay tayong makinig sa mensahe ng Pasko dito sa Tanglaw.
LET’S PRAY
Lord, I open my heart to receive You without any hesitation. Come into my life!
APPLICATION
Practice hospitality by inviting a new acquaintance to your home.
SHARE THIS QUOTE
