15

SEPTEMBER 2025

Tutuparin Ko ang Pangako Ko

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Alma S. de Guzman

“Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako’y magiging Diyos ninyo.”

Genesis 17:7

Sa bawat oras, araw, linggo, buwan, at mga taon na naghihintay tayo hindi bat napakahirap kapag parang naghihintay tayo sa wala? Umaasa ka naman ng buong puso at nanalangin, pero kada araw na hindi natutupad ang pangako, hindi maiiwasan na panghinaan ka ng loob. Kaibigan, hindi ka nag-iisa in feeling that way.

Sa Genesis mababasa natin ang kuwento ni Abraham at Sarah na pinaghintay ng 25 years ng Panginoon bago Niya tuparin ang pangako na sila ay magkaka-anak. Tulad natin, nag-struggle din sila sa paghihintay. Sa Genesis 16 mababasa na habang naghihintay sa katuparan ng pangako, nagdesisyon si Sarah na gawing surrogate mother ang kanyang aliping si Hagar. Pumayag si Abraham, at isinilang nga si Ishmael.

Kahit pinangunahan nila ang Panginoon, nagpadala pa rin Siya ng confirmation sa kanila at sinabing, “Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako’y magiging Diyos ninyo” (Genesis 17:7).

God gave them confirmation, assurance, and a new identity. Pinagtibay ng Panginoon ang kanilang pananampalataya. Sa sumunod na taon, kahit senior citizens na sila, ay sumunod sila sa kalooban ng Panginoon, ginawa ang dapat gawin, at naghintay hanggang sa ipinanganak nga si Isaac (Genesis 21).

Sa kuwento, ipinakita ng Panginoon ang Kanyang kadakilaan. He showed Himself faithful and trustworthy. Napatunayan natin na hindi manhid si God para hindi maramdaman ang bawat paghihirap natin sa paghihintay. He knows how to send confirmation and assurance. He has the best will for us. Its the same for you and me. Tutuparin ni God ang pangako Niya sa iyo; mga pangakong naaayon sa Kanyang salita at kalooban. He is faithful kahit hindi tayo faithful. Matutupad ang mga pangako Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for Your confirmation and assurance today. Help me to firmly stand in faith as I wait for the fulfillment of Your promises. I trust and believe You. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Reflect on the promises you commit to do for the Lord. Take action and start today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 4 =