4

DECEMBER 2025

Umuulan ng Wafer

by | Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Marlene Legaspi-Munar

Nang mapawi ang hamog, nakakita sila sa lupa ng maliliit at maninipis na mga bagay na parang pinipig. Hindi nila alam kung ano iyon, kaya nagtanungan sila, “Ano ito?” Sinabi ni Moises, “Iyan ang tinapay na bigay sa inyo ni Yahweh.”

Exodo 16:14-15

Laging kinukuwentuhan ni Mae ang anak niya ng Bible stories. Minsan, pagkatapos niyang basahin ang kuwento ng pagpapakain ng Diyos ng manna sa Israelites, nasabi ng anak niyang si Riri, “Mommy, gusto ko ring ma-experience ‘yung umuulan ng wafer!”

Sabi ni Mae sa kanya, “Mag-pray ka.” Nag-pray naman agad ang kanyang anak.

Namangha sila dahil kinabukasan, may nag-abot sa kanila ng malaking supot. Ang laman? Maraming-maraming wafers! Sabi ni Mae, “Di man literal na umulan, pero nagpadala si Lord ng sobrang daming wafers at snacks!”

The story found in Exodus 16 is a story of God’s miraculous provision to the Israelites when they had nothing to eat in the desert. Kahit sinong makabasa ng kuwento, matutuwa at mapapasabi ng “sana ol!” Pero ilan kaya ang may childlike faith, gaya ni Riri, na maniniwala sa Diyos at hihingi sa Kanya ng mga bagay na ibinigay naman ng Diyos sa iba? At sa tingin kaya ng bata, milagro ‘yun, o isang bagay na karaniwan lang at kayang gawin ng Diyos?

Sabi sa James 4:3, we pray but don’t receive what we pray for because of a wrong motive. That’s reasonable. But just before that verse is a tiny line that says, “You do not have, because you do not ask.” Hindi kaya ang dahilan kung bakit wala ka ng bagay na gusto mo ay dahil nahihiya kang humingi kay God?

It’s unlikely nowadays na may makita ka ring manna sa damuhan pagkagising mo. It’s not guaranteed that you will also receive the same pack of wafers when you ask God for a miraculous provision. But perhaps it’s time to have the courage to ask God for something that you really need … o kahit na nga wish mo lang. Tingnan natin kung paano ka Niya sosorpresahin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, increase my faith and help me believe that You are willing and able to provide for all my needs.

APPLICATION

List down the things that you’d like to ask from God. Pray for these things and trust God to provide according to His plan and ways.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 3 =