5
NOVEMBER 2026
Uy! Coffee Tayo!
Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman.
Jeremias 33:3
Excited na nag-prepare si Marga para sa coffee date nila ng kanyang dating college bestie na si Faye. Na-invite kasi siya nito for coffee at agad naman siyang nag-yes. Matagal na rin silang hindi nagkikita at sa social media lang nakakakuha si Marga ng life updates sa buhay ni Faye.
Naunang dumating si Marga sa coffee shop para makahanap ng magandang puwesto. Pumili siya ng hindi masyadong maingay at maganda ang lighting para sa selfie nila. Maya-maya pa ay dumating na nga si Faye. Mahigpit ang yakap ng magkaibigan sa isa’t isa. It’s obvious that they missed each other.
Kitang-kita ang saya sa mukha ng dalawa ang kanillang reunion. Walang tigil ang chikahan at tawanan. Sa tuwing magiging serious ang usapan, pareho rin silang naluluha. Walang filter ang kanilang usapan. Nasasabi nila ang true feelings nila without feeling judged or ridiculed. Both girls focused on each other because minsan lang sila magkasama. Pero sabi nga, all good things must come to an end. Kulang ang oras, sabi nilang pareho. Pero nag-promise sila that they will be more intentional in growing their friendship.
Excited ka rin bang makipag-usap kay Lord? Do you look for a quiet place and silence your phone so you can have a conversation with Him? Napakaraming distractions at kalaban para sa prayer time kaya kailangang maging intentional sa pag-set aside ng time every day to talk to the Lord.
Sana hindi maging chore ang Bible reading or prayer time. The Lord desires that you and I spend time with Him, like having coffee with a friend. He wants to hear your voice and express your desires, frustrations, and even small joys. O, ano? Pray na tayo?
LET’S PRAY
Lord, thank You for the freedom to approach You any time, and may I never forget this privilege of sitting with You everyday. I ask all this in Jesus’ name. Amen.
APPLICATION
Go to your prayer area at home. Take your coffee, Bible, and an open heart to listen to the Lord.
SHARE THIS QUOTE
