20
AUGUST 2025
Walang Mananalo sa Galit
Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.
Mga Kawikaan 15:18
Si Andrew ay laging tahimik at kalmado sa trabaho. Kahit na may mga kasama siyang palaging umiinit ang ulo, siya naman ay bihirang magalit. Pero isang araw, napuno na rin siya. May isang officemate kasi siya na hindi na-meet ang mga deadline sa trabaho, at siya tuloy ang napag-initan ng boss. Galit na galit si Andrew, at gustong-gusto na niyang sigawan at pagsabihan ang officemate niya.
Pero bago siya magsalita, naalala niya ang sinabi ni Greg Koukl about dealing with others: “If I get mad: I lose. If they get mad: I lose.” Napaisip si Andrew. Ano nga bang mangyayari kung bumigay siya sa galit? Hindi magbabago ang sitwasyon. Masisira pa ang samahan nila sa trabaho. He knew that if he gave in to his anger, talo siya. Kung magalit naman ang officemate niya in response, talo pa rin siya.
So, Andrew decided to calm himself, prayed for patience, and spoke to his officemate with kindness instead of anger. He knew, in that moment, choosing peace over rage meant he won — hindi lang para sa sarili niya, kundi para sa relasyon niya sa iba.
Sabi sa Mga Kawikaan 15:18, ang taong madaling magalit ay humahantong sa alitan, pero ang mahinahon ay nagdadala ng kapayapaan. Madalas tayong tinutukso na bumigay sa galit, lalo na kapag hindi tama ang trato sa atin. Pero ang tunay na panalo ay hindi sa pagsigaw o pakikipagtalo. Ang tunay na tagumpay ay nasa pagpili ng pagiging kalma at pagpapakumbaba. Kapag nagalit ka, talo ka. Kapag nagalit din ang kausap mo, talo ka pa rin. Pero kung pipiliin mong magpatawad at maging mahinahon, doon ka tunay na mananalo.
LET’S PRAY
Lord, turuan N’yo po kami na manatiling kalmado at mahinahon, kahit na sa mga oras na gusto naming magalit. Bigyan N’yo kami ng grasya para makontrol ang aming emosyon at magdala ng kapayapaan sa halip na kaguluhan. Tulungan N’yo kaming piliin ang tamang reaksyon na magbibigay luwalhati sa Inyo. Amen.
APPLICATION
Matutukso tayo laging magalit — sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan. Piliin natin ang pagiging kalmado, piliin natin ang kapayapaan. Matuto tayong huminga nang malalim, magdasal, at alalahanin na ang bawat reaksyon natin ay may epekto.
SHARE THIS QUOTE
