4
JUNE 2025
Walang Tulog?
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel, hindi natutulog at palaging gising! Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang.
Awit 121:4–5
Hindi ka pa rin ba natutulog? Hindi ka nag-iisa. Ang mga dolphin, nakamulat pa rin. Ang mga bagong panganak na bottlenose dolphins ay hindi natutulog sa loob nang ilang buwan matapos silang ipanganak. Kailangan kasi nilang mag-resurface sa ibabaw ng dagat para makalanghap ng hangin every 3 to 30 seconds. Kaya naman, gising din ang kanilang Mama Dolphin para bantayan sila at nang hindi sila madisgrasya ng mga dumadaang barko.
Kahit ang mga mature dolphins ay lagi ring gising — well, sa paningin natin. Kapag natutulog kasi sila, nakabukas ang kanilang mga mata. Dahil kailangan nilang i-regulate ang kanilang breathing, ang kalahati ng utak nila ay gising all the time, habang ang kalahati lang ang nagpapahinga. What? Nakakapagtaka, hindi ba?
Pero ang mas kamangha-mangha ay ang sinabi ng sumulat ng Psalm 121:4-5 (GNT): “The protector of Israel never dozes or sleeps. The Lord will guard you; he is by your side to protect you.” Hindi natutulog ang Diyos; ni hindi nga umiidlip. Obviously, God is unlike man in that He never needs to sleep. All-powerful kasi Siya kaya hindi Niya kailangang mag-recharge by sleeping. But, on the other hand, He is like a human parent — o sabihin na nga nating animal parent — na laging gising para bantayan ang minamahal na anak.
God is a loving Father, a compassionate parent, a strong protector ready to defend us from danger. Kung hindi ka makatulog dahil worried ka, kausapin mo Siya. Kung naka-night shift ka at dis-oras ng gabi ang uwi, huwag kang matakot, kasama mo Siya. Sa piling ng Diyos, puwede kang magpahinga dahil 24/7, gising Siya.
We hope you’ll join us again tomorrow for our series “God Our Heavenly Father.”
LET’S PRAY
Dear God, salamat at lagi Kayong gising para bantayan ako at samahan. I can rest and sleep, assured of Your presence and protection. In Jesus’ name. Amen.
APPLICATION
May insomnia ka ba? You can chat with our live prayer counselors. I-click lang ang icon na Chat With Us.
SHARE THIS QUOTE
