10
JANUARY 2025
Water Is Life
Ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman.
Juan 4:14a
“Water is life!” ang sabi ni Marty Raney, ang main host ng Homestead Rescue series, kung saan lack of water source ang biggest problem faced by the homesteaders. Hirap sila na i-sustain ang kanilang daily needs. Finding a reliable water source and digging a well for the homesteaders to last for generations is a goal for Raney’s rescue.
Pabalik noon sa Galilea si Jesus at dumaan Siya sa Samaria. Napagod Siya at naupo sa tabi ng balon, kung saan ay isang babaing taga-Samaria ang dumating upang mag-igib. “Maaari mo ba akong bigyan ng maiinom?” ang sabi ni Jesus sa babae. Sinabi sa kanya ng babae, “Ikaw ay Judio at Samaritana naman ako! Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?”
Sumagot si Jesus, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka naman niya ng tubig na nagbibigay-buhay.” Nagsalita ang babae, “Ginoo, malalim ang balong ito at wala ka namang panalok. Saan ka kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay?” Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito’y muling mauuhaw, ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” Sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan po ninyo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw.” (basahin ang buong story sa John 4:1–42).
Water is a fundamental necessity to sustain life for our physical well-being. Pero mayroon ding “iisang inuming espirituwal,” na galing sa “batong espirituwal … at ang batong iyon ay si Cristo” (1 Mga Taga-Corinto 10:4). Siya ang tutugon sa ating pagkauhaw. Sinabi Niya, “Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay” (Juan 7:38). Your thirst will be quenched for eternity!
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, You are the water of life! Thank You for satisfying my spiritual thirst.
APPLICATION
If you haven’t accepted Jesus as your Lord and personal Savior, you can now pray and invite Him in your life. Maaari mo ring i-click ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.