27

OCTOBER 2024

When God Tells You to Stay

by | 202410, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Karen Mae Guarin-Lee

Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” [… Dala ng matinding hinagpis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang malalaking patak ng dugo.] Pagkatapos manalangin, siya’y tumayo …

Lucas 22:42, 44–45

Napanuod mo na ba ang pelikulang Lion King? Nang mamatay si Mufasa, ang kanyang kapatid na si Scar ang pumalit sa kanyang trono bilang hari. Nawala ang kapayapaan sa kanilang lupain. Dahil dito, may nanghikayat kay Sarabi, ang biyuda ni Mufasa, natumakas na sila bago pa mahuli ang lahat. Ngunit, nanindigan si Sarabi at sinabi niya,We must all stay together and protect the Pride lands. This is our home. We must never abandon it. Our time will come … Be patient.” And it sure did happen! Her son, Simba, the rightful heir to the throne, returned and defeated Scar.

Madalas ay mahirap ang umalis. Pero may mga sitwasyon palang mas mahirapmanatili. Jesus can relate to this. Nang may matinding paghihinagpis, nakiusap Siya sa Kanyang Ama sa langit kung puwedeng huwag na Siyang ipako sa krus (Lucas 22:42, 44). Jesus could have run away from all the mockery and the excruciating pain of being nailed to the cross. But He obeyed His Father’s will and chose to stay. Kahit na inosente Siya, He endured the suffering. Tiniis Niya ang lahat ng paghihirap at tinatagan Niya para sa ating kaligtasan. Jesus’ sacrifice has sanctified us.

Do you want to quit but God is telling you to stay? Baka may mga tao ring maliligtas nang dahil sa pananatili mo. Pray like Jesus. Iiyak mo lang ang lahat sa Diyos at pagkatapos ay tumayo ka. Stand strong! At the appointed time, you’ll rise and reap the fruit of your sacrifices.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, quitting seems like the easiest escape for me. Ang hirap at sakit na po kasi. Lord, please hold my heart and be my strength to stay in these difficult times. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

I-fold sa gitna ang isang papel. Ilista sa left side ang mga dahilan kung bakit gusto mong umalis, at sa right side naman, ang mga sinabi ni God kung bakit kailangan mong manatili. Whenever you are struggling, read this paper, cry out to God, and stand strong!

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 14 =