1
APRIL 2025
Wisdom at Work
Sa daigdig, ikaw Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo’y nakalatan itong lupa.
Awit 104:24
Did you know that 18,000 new species of animals are being discovered each year? Animals pa lang ‘yan ha? How about the numerous plants and various landscapes? Mapapaisip tuloy tayo kung gaano pa kaya karami ang nilikha ng Diyos na hindi pa natin natutuklasan!
Ang pagkamalikhain ng Diyos ay talaga namang napakagaling. May matataas at mabababa, lumilipad at lumalangoy, umaagos at tumutubo, at kung ano-ano pa! Kaya nga ang sabi sa Psalm 104:24 (NIV), “How many are your works, Lord! In wisdom you made them all; the earth is full of your creatures.” Sabi ng may akda ng salmong ito, ginamit daw ng Panginoon ang Kanyang wisdom sa Kanyang paglikha ng buong sanlibutan! Kaya naman pala nakakamangha ang samu’t saring mga hayop, mga halaman, at mga heograpiya. The Lord’s wisdom is displayed through the beauty and diversity of His creation!
Heto pa! Hindi lang naman sa kung paano nilikha ang lahat ng bagay makikita ang karunungan ng Diyos. Pati na rin sa kung paano Niya pinapangalagaan at pinapalago ang mga ito. Because of His wisdom, the birds can eat, and the flowers can grow (Matthew 6:26–28). Maging ang oras, klima, at kalangitan ay hawak Niya (Psalm 104). Kumbaga, nagpapatuloy ang buhay ng mga bagay at ikot ng mundo nang dahil sa Kanya. That’s His wisdom at work!
Kapuri-puri ang Panginoon dahil sa Kanyang mga gawa. At karapat-dapat Siyang pagkatiwalaan dahil kung kaya Niyang likhain at alagaan ang lahat ng bagay, kayang-kaya Niya ring gawin ang anumang makakabuti para sa atin. Sabi nga ni Jesus, kung pinapakain ng Diyos ang mga ibon, tayo pa kaya na mas mahahalaga para sa Kanya? (Matthew 6:26)
LET’S PRAY
Almighty Father, how great is Your wisdom displayed in creation! Nagtitiwala ako na mapapangalagaan Ninyo ako dahil sa Inyong kagalingan.
APPLICATION
Let’s broaden our understanding of the beauty and diversity of creation. Do nature walks. Magbasa tungkol sa mga hayop. Alamin ang ibang halaman sa kapaligiran. As we enhance our knowledge about God’s creation and His wisdom behind it, may we worship and trust Him more!
SHARE THIS QUOTE
