18
APRIL 2026
With Every Pressure, There Is a Treasure
Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak na sisidlan lamang tulad ng mga palayok, upang ipakilalang ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa.
2 Mga Taga-Corinto 4:7–8
Kapag narinig natin ang salitang “treasure” o “kayamanan,” madalas na naikokonekta agad natin ito sa possessions natin tulad ng pera, gadgets, mga damit, at marami pang iba. Come to think of it, it’s not bad to have these things. Minsan ang tawag pa natin sa mga ito ay “treasured possessions.” Dumaan tayo sa maraming pressures sa buhay kaya we feel we deserve them. They are very important to us kaya hindi puwedeng mawala ang mga ito.
Tulad sa pottery. Pinapaikot sa wheel ang clay at hinuhulma ayon sa kagustuhan ng potter. Habang iniikot ang wheel, kailangang maging maingat ang potter dahil sa isang maliit na pagkakamali ay baka mag-iba ang hugis ng hinuhulma niyang clay. Pero pagkaraang dumaan sa nakakahilong pag-ikot ang clay, nagiging isang maganda at kagamit-gamit na sisidlan na ito!
Iin life, we will face a lot of pressures na minsan mapapasabi ka ng “I give up!” or “Hindi ko na kaya, puwede bang tapusin na lang natin ito?” But remember, when facing pressures, whether these are troubles or challenges, you are not alone to deal with them yourself. So, do not lose hope. With every pressure, there is a treasure. Ano ang treasure na ito? Ito ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa atin at ang pag-asang nanggagaling din sa Kanya. Nariyan si Jesus para palakasin tayo, gabayan, at tulungan Siya. Siya ang tunay na treasure natin.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, inaamin ko na may mga pagkakataong I depend on my own strength. Remind me to fix my eyes on You. Thank You for the strength, wisdom, and grace na harapin ang mga pressure sa aking buhay.
APPLICATION
Meditate on Hebrews 12:2. List the challenges that you are facing right now and surrender all these things to Jesus. Believe that He will help you go through each one of your challenges.
SHARE THIS QUOTE
