3
SEPTEMBER 2025
Words Can Make or Break You

What is one part of our body that is so strong that it can break our heart? It’s the tongue. Kaya para magamit natin ng tama ang ating dila, simulan natin ngayon ang ating series na “Taming the Tongue.”
Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.
Mga Kawikaan 18:21
Bata pa lang si Josie nang makaranas siya ng panlalait dahil sa outward appearance niya. Mula noon ay naging reserved and timid na siya. Dahil sa insecurity ay naapektuhan din ang pakikitungo niya sa iba.
One day, nakilala niya ang isang Sunday School teacher na nag-invite sa kanya sa Bible study. Naging exposed siya sa encouraging messages from the Word of God, at natutukan din siya ng kanyang teacher na nakapansin ng kanyang pagiging mahiyain. Madalas siyang kumustahin at i-encourage nito sa tuwing nakakasama siya sa klase.Dito ay natutunan niya ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos. Eventually, unti-unting nagbago si Josie because she realized na mas mahalaga ang pag-ibig ng Diyos kaysa sa panglalait ng iba.
Ikaw, naranasan mo na rin bang masaktan dahil sa panlalait ng iba? Words truly can make or break us. Minsan ang mga salitang hindi natin pinag-isipan ay naka-offend na pala.
Today’s verse reminds us na ang ating salita ay may bunga — either death or life. We reap the consequences of our words. It can be a source of strength and encouragement or pain and discouragement for others.
Reflect on your words and intentionally change the negative words to uplifting ones. By actively doing this, we can create a more positive environment for the people around us. It also reframes the way we see people as we see the good in them instead of the bad. Our words can build, restore, and change a person. Ito ang paalala sa atin ni Apostle Paul sa Mga Taga-Efeso 4:29, “Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.”
LET’S PRAY
Dear God, please forgive me sa mga times na nakasakit ako ng iba dahil sa careless words ko. Tulungan po Ninyo akong magbago at maging sensitive sa bawat sasabihin ko. Help me to speak life to the people around me so that they can see Your goodness. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Pumili ng limang tao from your social media friends list na pagbibigyan ng encouraging message. Gawin ito araw-araw hanggang sa maging habit mo na ito.
SHARE THIS QUOTE
