16

JULY 2023

You Are God’s Greatest Creation

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Edwin D. Arceo

Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.

Awit 8:4–5

Tama ang nabasa mo. Ikaw, ako … ang buong sangkatauhan — we are God’s greatest creation. Tayo ang pinakadakila sa lahat ng nilalang ng Diyos. Nakakagulat di ba? Pero iyan ang totoo. Sa lahat ng nilikha ni God during the time of Creation, tayo lamang ang ginawa in His image (Genesis 1:26). Not even the angels who were made before us were created in such manner.

But wait, there’s more. Sabi sa 1 Corinthians 6:3 (ESV), “Do you not know that we are to judge angels? How much more, then, matters pertaining to this life!” We were created a little lower than the angels pero time will come when we will judge them. We will have authority over them.

Purihin ang Ama dahil sa sobrang pagmamahal Niya sa iyo at sa akin! Ipinakita Niya ito nang ipadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesus para iligtas tayo mula sa kasalanan at habambuhay na pagkahiwalay sa Kanya (Juan 3:16). And again, walang ganitong pribilehiyo ang mga anghel.

Kaya kung nakakaramdam ka ng self-pity, tampo, lungkot, insignificance, or neglect, tandaan mo ito: You were fearfully and wonderfully made (Psalm 139:14). You and I were handcrafted by the best Craftsman the world has ever known (Ephesians 2:10). Importante ka kay God!  Ang sarap pakinggan ng verse natin for today: “Ano ba ang tao (ikaw at ako) upang iyong (si God) pangalagaan?” Iniisip tayo palagi at inaalagaan ng Diyos. Kung tutuusin alikabok lang tayo kung ikukumpara sa Kanya pero pinarangalan at niluwalhati Niya tayo nang iligtas Niya tayo through His Son Jesus.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Diyos, salamat sa maingat na pagkakagawa Ninyo sa akin at sa halaga na ibinigay Ninyo para ako ay maligtas. Napakalaking pribilehiyo ang ipinagkatiwala Ninyo sa akin at isang napakalaking karangalan ang matawag na anak Ninyo sa pamamagitan ni Jesus.

APPLICATION

May tampo ka ba kay God? Mas pagtuunan mo ngayon ng pansin kung paano ipinaparamdam ng Diyos ang pagpapahalaga at pagmamahal Niya sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 7 =