12
MARCH 2026
Your Order Is on Its Way
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Mga Taga-Roma 15:13
Times have indeed changed. Dati, kapag may kailangan tayong bilhin, kailangan pa nating magbihis at umalis ng bahay. Going to the mall is a family event na pinagpaplanuhan at pinaglalaanan ng budget for gas, o di kaya ay pamasahe.
Not anymore. Lalo na sa mga mahilig mag-online shopping. Halos lahat na ngayon, puwedeng orderin online. Meals, damit, diaper, groceries, gadgets, furniture, appliances. As years pass, mas naging diverse and efficient na rin ang serbisyo ng mga e-commerce platforms. Shipping, for some online shops, take only a day. Add to cart at check-out mo ngayon, bukas tumatawag na sa gate ang rider na magde-deliver ng package mo. But whether it takes a day, or two weeks, or more, the words “Order Being Processed” gives one some sense of excitement. Lalo na kapag pagmonitor mo, “Shipped” na, tapos ay “Your order is on its way” na!
The feeling na may paparating na magandang bagay para sa iyo, iba eh! Nakaka-excite because it gives you something to look forward to.
We all love that feeling. May inaabangan, may hinihintay, may ia-unbox. But this excitement is nothing compared to the glory when God finally reveals Himself to us. Dahil kahit na gaano karaming regalo at material things ang ma-enjoy natin sa mundo, let us not forget that this world is only our temporary home. Oras na “on our way” na tayo sa eternal life, that’s when real and everlasting joy happens.
LET’S PRAY
Mahal naming Ama, salamat sa blessings na binibigay Ninyo sa amin dito sa mundo. Pero dasal din po namin na huwag kaming masilaw sa mga materyal na bagay. Ipaalala po Ninyo sa amin na ang tunay na ligaya ay nanggagaling sa Inyo at sa Inyong presensya.
APPLICATION
Ano-ano ang nasa cart mo ngayon? Excited ka na bang ma-deliver ang mga items na ito sa iyo? Today, why don’t you try to add to cart a box of kindness, a bag of generosity, and a couple of pouches of prayer, too? Whoever you will bless with these three things will surely be happy to unbox these surprises, too.
SHARE THIS QUOTE
