9
APRIL 2022
The Perfect Lamb
Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
2 Mga Taga-Corinto 5:21
Nakatikim ka na ba ng roasted lamb? Malinamnam daw ang lasa ng roasted lamb, lalo na ang parteng may taba. Dahil sa kakaibang lasa at lambot ng tupa, isa ito sa pinaka-the-best na karneng dapat mong matikman.
Pamilyar ang bawat Israelite sa lasa ng tupa. Bilang pag-alala kasi sa paglaya nila mula sa Egypt, iniutos ng Diyos na lagi silang magdaos ng Passover Feast (Exodo 12:24-27). Gaya ng unang Passover, taon-taon nilang kailangang sundin ang requirements para sa tupang papatayin: lalaki, isang taong gulang, at walang kapintasan (Exodo 12:5). At isang paraan lang ang pagluluto nito: lilitsunin ang buong tupa kasama ang lamang-loob nito. At saka pa lang ito pwedeng kainin.
Ang Passover Lamb ng Old Testament ay anino lamang ni Jesus na Siyang final and perfect sacrifice para mapatawad at mapalaya tayo sa kasalanan. Jesus, the Lamb of God, is the perfect sacrifice dahil wala Siyang kapintasan. Hindi Siya gumawa ng anumang kasalanan (1 Pedro 2:22; 1 Juan 3:5). “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos” (2 Mga Taga-Corinto 5:21). Dahil si Jesus ang sinless Lamb of God, Siya lang ang may kakayahan at karapat-dapat na maging Tagapagligtas ng mga makasalanan. Hindi tayo maliligtas ng dugo ng hayop, ng paggawa ng kabutihan, at ng kahit na sinumang nilalang. Si Cristo lamang. Siya lang ang dumaan sa maapoy na poot ng Diyos sa kasalanan at ang naparusahan kaya wala nang naiwang poot ang Diyos para sa tao. Kung paanong kinain ng mga Israelita ang buong nilitsong tupa, tanggapin mo rin nang buong-buo si Jesus, the Perfect Lamb of God. Huwag mong hayaang di mo maranasan ang sarap ng mapatawad, mapawalang-sala, at mapabilang sa pamilya Niya.
LET’S PRAY
Jesus, naniniwala ako na Ikaw ang perfect sacrifice kaya napatawad at napalaya ako ng Diyos mula sa aking mga kasalanan. Maliban sa Iyo, wala akong ibang pinagtitiwalaan.
APPLICATION
Ang Passover Lamb noon ay pinagsasaluhan ng mga pamilya. Ibahagi mo sa kapamilya mo ang anumang natututunan mo tungkol kay Jesus, the Perfect Lamb of God, at ipag-pray na magkaisa kayo ng pananampalataya sa Kanya.
SHARE THIS MEME
![Apr 9_Munar_D2](https://tanglaw.org/wp-content/uploads/2022/02/Apr-9_Munar_D2.jpg)