6

JANUARY 2023

Lord, Ako Naman

by | 202301, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Karen Mae C. Guarin

Today, we start a new series, “Trusting God’s Plan and Timing”. God has good plans for us. He is sovereign and He is in control of everything, kahit na minsan, akala natin ay nakalimutan na Niya tayo. Pakinggan natin ang paalala ng devo natin ngayon.

Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya’t pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig.

Genesis 8:1

“Lord, ako naman.” Nabanggit mo na ba ‘to because you felt na parang nakalimutan ka na at gusto mong mapansin na ni Jesus?  

Maaaring pagod na pagod ka na physically, emotionally, and mentally dahil sa mga problema na parang walang preno — sunod-sunod, patong-patong, paulit-ulit. Or you may be feeling stuck and frustrated right now dahil sa mga pangarap na di mo maabot. You are not alone.

During the time of Noah, God made it rain for 40 days and nights (Genesis 7:12) and so the entire earth was flooded. Na-wipe out ang mga tao sa mundo. Only Noah and his family were left. According to Bible commentaries, Noah, his family, and the animals stayed inside the ark for almost 370 days — that’s more than a year! Isang major quarantine ang dinanas nina Noah. Kung tayo ay meron pang chance na makalabas during the pandemic, sina Noah, walang chance lumabas at all. Siguro, nainip o nawalan na rin ng pag-asa si Noah sa sobrang tagal humupa ng baha. One thing is sure: Noah was able to endure the Great Flood only because of God’s favor (Genesis 6:8).

Kailanman ay di iiwan o tatalikuran ng Panginoon ang mga taong nagtitiwala sa Kanya (Deuteronomy 31:8). Our verse for today says, “Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe…” Today, gusto Niyang ipaalala sa iyo na hindi ka rin Niya nakalimutan. Mapagtatagumpayan mo rin ang pinagdadaanan mo. Tulad ng naranasan ni Noe, iihip din ang hangin at huhupa ang baha.

Kaya huwag tayong mainip. Abangan natin bukas ang karugtong ng series nating “Trusting God’s Plan and Timing”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, thank You for comforting and reminding me today na kailanman ay hindi Mo ako kakalimutan, iiwan, o tatalikuran. I cast all my burdens to You. I believe that these too shall pass. Amen.

APPLICATION

Sa tuwing nawawalan ka na ng pag-asa, nalulungkot, or discouraged, begin declaring this: Iihip din ang hangin at huhupa ang baha.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 3 =