14

MARCH 2023

Bawal na ang Bully

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Thelma A. Alngog

Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi Espiritu ng kahinaan ng loob, kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

2 Timoteo 1:7

“Lampayatot! Lampayatot! Ilang bulate pa ba ang hindi pumipirma sa loob ng tiyan mo?” Ito ang mga pangungutya ng mga classmate ni Doy habang naglalaro siya ng basketball. Pero sandali lang, kasalanan ba niya ang magkaroon ng underdeveloped bones since birth?

“Baluga! Baluga! Balugang gala!” Ito naman ang tukso ng mga kamag-anak at kapitbahay kay Bibut habang pinagtatawanan siya sa kalye. Kasalanan niya rin bangipanganak na may maitim na balat at kinky ang buhok? Hindi, di ba? Nakakalungkot na naililipat ang ganitong uri ng pambu-bully hanggang sa susunod na henerasyon sa kabila ng ipinagbabawal na ng batas ang bullying.

Pero may tatalo pa ba sa tindi ng pambu-bully na naranasan ni Jesus? Pinagtawanan at hinamak Siya ng mga kawal habang pinapatungan sa ulo ng koronang tinik (Mateo 27:29). Tinuya, dinuraan, binugbog, hinampas ang ulo, niluhud-luhuran pa at pagkatapos ay hinubaran, pinalitan ng damit, at saka inilabas upang ipako sa krus (Marcos 15:16–19). Naghihingalo na nga siya sa krus pero humabol pa ang katabiniyang kriminal ng pang-iinsulto. Sa lahat ng ito, hindi kumibo si Jesus dahil need Niyang pagdaanan ang prosesong iyon bilang part ng salvation plan. Jesus, the sinless one, died as our substitute to redeem us from eternal death.

Kaya kapag binu-bully, remember that Jesus gave us the spirit of power, love, and self-control (2 Timothy 1:7). Apat na m, ang dapat tandaan. Una, magpigil at huwag gumanti sa mga nambu-bully. Pangalawa, maging matatag at huwag panghinaan ng loob. Pangatlo, magpatawad katulad ng pagpapatawad na ginawa ni Jesus sa krus. Ipanalangin mo ang mga nambu-bully sa iyo. At pang-apat, mahalin mo ang iyong sarili. Know your real worth in Christ because He died for you.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, we surrender to You our past and bad memories. Thank you for loving me at Kayo lang po ang nagtatanggol sa amin laban sa mga taong mapanghusga at nang-aapi sa amin. I forgive them. Always give me the right attitude toward this kind of people. Help me to exercise power, love, and self-control. In Jesus’ name I pray. Amen.

APPLICATION

Kita ng Diyos ang lahat ng nangyayari sa buhay mo. Bakit di mo subukang magsumbong sa Diyos? Pray and forgive those people who are bullying you physically, emotionally, verbally, and through social media which is called cyberbullying. Pray also for the right attitude toward bullies. If necessary, seek professional help also.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 15 =