12
APRIL 2023
The Incomparable Riches of God’s Grace
Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay maipakita niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob, sa kabutihan niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Mga Taga-Efeso 2:7
Naranasan mo na bang makatanggap ng isang bagay na higit sa iyong inaasahan? Ganyan ang naranasan ng isang pastor at ng kanyang pamilya. Dahil sa kagandahang-loob ng kanilang kakilala, inalok silang magpamilya na magbakasyon sa isang well-known tourist spot with free hotel accommodation. Hindi lang iyan, hatid-sundo rin ang pamilya ni Pastor sa hotel. Isa na itong malaking blessing para sa kanila, pero wait, there’s more! Dahil bukod sa free accommodation at chauffeured service, binigyan pa sila ng pocket money! Biyaya talaga!
Alam mo ba na kayang higitan ng mapagbiyayang Diyos ang lahat ng iyong expectation? Ayon sa Efeso 2:7, hindi masukat ang kasaganaan ng kagandahang-loob ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus. The riches of His grace is described as incomparable (Ephesians 2:7 NIV). The word “incomparable” means “surpass o lampasan; excel o mangibabaw; exceed o higitan.” In Greek (the language in which the New Testament is written), “incomparable” literally means to throw beyond the usual mark. It was used in secular Greek to describe a spear-throwing contest.
God’s grace through His Son Jesus Christ is truly rich and incomparable. ‘Yung akala mo walang-wala ka na, may nakahanda palang provision. ‘Yung kuntento ka na sa kung anumang kaunting meron ka, pero may idadagdag pa pala si God. Nag-pray ka ng isang kutsarang pagpapala, isang pala ang ibinuhos sa iyo. ‘Yung akala mo ikaw na ang pinakamasamang tao at hindi na dapat patawarin at iligtas, pero namatay si Jesus sa krus para mapatawad ang lahat mong kasalanan at mailigtas ka. Such incomparable grace; truly an unconditional love. The riches of God’s grace, which He expresses in His kindness to us in Christ, surpasses and exceeds everything.
LET’S PRAY
Dear God, I praise You for the incomparable riches of Your grace. Thank You, Jesus na sa pamamagitan Mo, natatanggap namin ang masaganang biyaya ng Diyos. Precious Holy Spirit, open our eyes so we could see the multiple blessings of God in our lives and receive them all by faith.
APPLICATION
Whenever you pray, remember that God is gracious. Thank Him always for the many ways by which He expresses His grace to you — in the forgiveness of all your sins, in salvation, in daily provision, in many other ways. Share to others how gracious our God is.