13
APRIL 2023
You Need a Real Break!
During this month, marami ang nagbabakasyon sa atin. Pero sa pakikinig sa Salita ng Diyos, hindi tayo nagbabakasyon. Kaya samahan ninyo kami sa ating short series na “Vacation Mode.”
Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti’t hindi siya nagpapabaya.
Awit 116:7
Napaka-stressful ng panahon ngayon. “Obvious ba?” Iyan siguro ang nasasabi mo rin. Dahil we are reachable anywhere at anytime, kahit sa bakasyon dala-dala mo ang trabaho mo, kasama ang worries na nakakabit dito.
Aminin mo na. Kapag tumunog ang mobile phone mo, ang iniisip mo agad ay baka ang office ang kumukontak sa iyo kahit na ikaw ay nasa kabundukan ng Ifugao. Bigla kang nagkakaroon ng anxiety attack kasi baka may emergency sa office or baka may nakalimutan kang gawin bago ka umalis papuntang Bora. Kapag hindi mo naman sinagot (which is the right thing to do), you are afraid na baka magkaroon ng negative effect ito sa performance mo. Nakaka-relate ka ba?
So, to have a real break, some people are going off the grid. Ang ibig sabihin nito ay isang biyahe na kung saan ay intentional na ili-limit or tatanggalin ang time na sila ay reachable online. Sadyang hindi sila magko-connect sa Internet para mag-check ng email or magpo-post ng pictures ng trip nila sa social media. Pagbalik nila sa “real world” ay saka na lang sila magpo-photo dump.
It makes sense, di ba? Sobra na ang interruption ng mundo na kung saan wala na tayong proper rest, kaya kinakailangan na nating i-cut ang sarili natin mula dito even for a short time. Ok, so off-grid ka na pero nag-aalala ka pa rin deep inside. Remember this truth from Psalm 116:7: Magtiwala ka sa Diyos dahil mabuti Siya at hindi Siya nagpapabaya. When you put your complete trust in the Lord, you will experience real break and true rest. He will take care of everything kahit wala ka sa office. And when you go back to your workspace, you still have your work.
Kita-kits tayo uli bukas para sa second and last part ng ating mini-series na “Vacation Mode.”
LET’S PRAY
Lord, as I take a break, bahala na po Kayo sa lahat ng maiiwan kong trabaho at mga alalahanin. Hindi po ako mag-aalala dahil Kayo po ang bahala. Alam ko po na gusto Ninyong magkaroon ako ng totoong kapahingahan sa katawan, isip, at espiritu sa pangalan ni Jesus. Amen.
APPLICATION
Umpisahan mo na ang pagpaplano para sa bakasyon mo. Pilitin mong maging organized at magpaalam ka nang maayos sa mga kasama mo sa trabaho. Liwanagin mo na magiging off-grid ka ng ilang araw at hindi sila dapat mag-alala.